Balik ulit tayo sa title! Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko kaya isisiwalat ko na ang hinaing ko tungkol sa mga title na nakakarindi.
Napansin ko lang ah, bakit kadalasan ng mga title ng stories dito sa Wattpad eh, nagsisimula sa "The Billionaire's--"? (Kayo na ang bahalang tumapos.) Ano 'to? Magka-kulto kayo at pinapamukha niyo sa Wattpad community na gold digger ang mga babae?
Mga leading man ng mga stories dito ubod talaga ng yaman tapos ang mga heroine naman ubod ng hirap. My ghad! Sawang-sawa na ako sa poor vs. rich na 'yan! Tapos 'yung mga heroine api-apihan ang peg. Tsk! Tsk! Tsk! Damsel in distress.
Wattpad is a haven for self-expression 'di ba? Eh bakit parang nagiging "a haven for plagiarism" ang dating? Halata naman kasi sa titles ng stories na naglipana. Isa pa sa halimbawa ng cliché title eh, 'yung "gangster" chuchu!
Alam kong cool ang image ng gangsters dito sa Wattpad, but c'mon! We all know gangsters aren't really as cool as they seem to be in real life! They commit crimes and sometimes even bully others just because they feel so tough being with their gang. Naiisip ko tuloy na "parang" isinusulong natin ang pagsali sa mga fraternities. Alam naman natin kung gaano kadelikado ang mga ganito, pero bakit pinapabango pa natin ang image?
~End of Confession 04~
BINABASA MO ANG
Confessions of a Wattpad Writer: The Beginner
Non-FictionAng akdang ito ay naglalaman ng saloobin ng isang baguhang writer dito sa Wattpad. Nakasulat dito ang kanyang mga hinaing bilang isang hindi kilalang manunulat at ang kanyang kagustuhang sumikat. Pakibasa na lang at baka maka-relate ka.