Kabanata 2
Mabilis na dumaan ang mga araw. Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko sa school na aking dadalhin. Tiningnan ko ang aking mukha sa salamin, inayos ko ang necktie ng uniporme ko at lumabas nako at nagpaalam sa mga maids. Wala si mama may aasikasuhin daw siya sa hospital.
Isang surgeon si mama at kami rin ang may-ari ng hospital kaya lagi siyang busy. Ano nalang si papa, minsan lang siya kung umuuwi sa isang buwan marami rin kasi siyang inaasikaso sa kompanya. Pero pag-umuuwi naman siya sinisigurado niyang samin ang buong oras niya.
Sumakay nako sa kotse, isang yung grey Mercedes-Benz G63. Pinaandar ko na yun at hindi naman ako natagalan sa byahe at nakarating agad ako sa school.
Pagpasok ko sa gate isang napakalaking fountain ang bumungad sakin may mga malalaking letra na nakadesenyo doon sa taas "Keizen University".
Tuloy tuloy ako at pumunta sa parking lot, ang laki ng parking lot halatang mayayaman ang mga nag-aaral dito. Agad naman akong nakahanap ng pagpaparkan, buti nalang walang mang-aagaw dito.Kinuha ko na yung bag ko at ng magring yung phone ko.
Calling..
Irish
"Hey Zi san kana?"
"Parking lot"
"Sa room nako, bilisan mo na"
"San yung building natin?"
"Next to Librabry building, third floor"
"Sige"
at binaba ko na.Nagsimula nakong maglakad, marami na ang estudyante ang nakakasabay at nakakasalubong ko. Nagtataka lang ako kasi karamihan sa kanila tumitingin sakin. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang replekyon ko, wala namang dumi.
"Ang ganda niya"
"Sigurado pagkakaguluhan yan dito"
Nagbubulungan din yung iba.
Hinayaan ko nalang sila at nagpatuloy nalang ako sa paglalakadNatuwa naman ako ng makita ko sa di kalayuan ang maraming puno, nakahelera yung iba sa daan may mga malalaki at maliliit na . May mga upuan at mesang gawa sa kahoy ang nakapwesto sa ibaba ng mga puno. Parang park lang.
Maya maya nadaan ko yung canteen, library building at sa wakas Bussiness administration building. Kaya lang nasa third floor pa pero natuwa naman ako ng may elevator. Sosyal talaga ang school may elevator. Pagdating ko sa third floor agad ko namang nakita yung room namin at pagpasok ko bunganga agad ni Irish ang nangingibabaw. Mukhang close na agad sila nung nasa harapan niya. Umupo ako sa tabi niya.
"Hi Zi buti di ka nalate"
aniya"Tsk"
Kwento ng kwento pa si Irish buti nalang dumating na yung teacher namin. Hindi pala dito katulad sa ibang university na yung mga estudyante ang mag-aadjust, dito yung mga teacher ang pupunta sa bawat room parang katulad lang nung senior high school.
Orientation lang sa program, criteria for grading at yung usual na ginagawa pagfirst day of school.
Isa isa kami na nagpakilala."Hi Im Irish Valenzuela, I hope that my college life with all of you would be fun and memorable"
Ngiting ngiting pa si Irish habang sinasabi yun. Irish is my bestfriend since highschool.
His father was a doctor too, like mama. She knew almost everything about me. And she's beautiful. Umupo na siya."I'm Crizila Cedes"
walang gana kong sabi"Is that all miss Cedes?"
"Yes"
at umupo nakoNg matapos na ang lahat may kung ano ano pang sinasabi si Sir Karuro (yung pangalan nya) ng bigla may kumatok sa pinto at bumukas.
"Good morning"
aniya nung matangkad na lalaki.... teka parang namumukaan ko siyaaa.
Ang magnanakaw ng pwesto. kaklase ko pa talaga siya.
"Good morning, You are?"
tanong ni sir KaruroAt biglang humarap ang mukong sa klase ng buong ngiti at tumigil sakin yung tingin niya.
"I'm Jazin Realco"
"Oh my gad"
sabi nung isang babae sa likod"Ang gwapo niya"
halos pabulong nung babae sa harap ng upuan ko."Nakatingin ba siya sakin? eeeh!"
aniya nung babae sa likod ko
na kinikilig pa ata."Meant to be ata kayo Zi Haha"
ang walang hiyang Irish linakasan at tumingin pa sakin."Mukhang magkakilala na kayo ni Miss Cedes"
pang-aasar pa ni sir.
At luminga linga ang mukong, naghahanap ata ng mauupuan.
Bigla nalang siyang naglakad papunta sa akin at.sa likod ko pala, dun siya umupo.
Maya maya umalis na si sir.
Kinuha ko yung phone ko at kinalikot yun ang boring kasi,
maya maya may narinig akong nagsalita sa likod ko.
Sino pa nga ba? Ang bwesit."Hi Im Jazin"
sabi niya, alam kong ako ang kinakausap niya. Si Irish ngiting ngiti."Crizila right?"
nagnodde ako bilang tugon kasi ang bastos ko naman kong hindi ako sasagot diba."Yun lang yun? Would you mind of you also introduce yourself?"
nakatalikod ako sa kanya at alam kong nakatayo siya habang kinakausap ako.
"I don't mind"
wala kong ganang tugon, naglalaro ako ng ML, try nyo ang saya. Istorbo kasi tong sa likod ko."Hey you know what--"
"Yes Hahahha panalo"
medyo napalakas pagkakasabi ko at nainterrupt ko yung sinasabi niya."Sorry Mr. Jazin, but can't you see that i'm busy right now."
Tiningnan ko siya at bumalik sa paglalaro. Narinig ko siyang nagsmirked. Isang malakas na tawanan ang narinig ko mula sa dalawa niyang katabing lalake at yung iba naman ay ngingiti ngiti.💎Don't forget to vote💎
BINABASA MO ANG
Be happy
Teen FictionCrizila was a beautiful lady who never be in a relationship. She was changing her life, when she started her college life. She meet Jayzin Realco who will fall inlove with her. But what if her long time crush Lorence who was also her bestfriend co...