Part 8: #Letting Go

361 33 1
                                    

"Alam mo Gil, pwede kang repre sa susunod na solo singing contest!"Excited na bulalas ng kaklase niya ng makababa siya mula sa center stage.

Ngiti lang ang itinugon ko rito. Napabaling ako sa direksyon kung saan naroroon si Kael.

He's smiling at me with open arms. I run towards him.

Sa sandaling nagkayakap kami... ang sarap sa pakiramdam. So comforting...

"You're finally out of your thick shell."Anito sabay pitik sa noo ko.

Sumimangot lamang ako.

"You're goddamn talented. Ipagmalaki mo naman!"

"Tch. Ano sinagot ka na? Di na tuloy yung harana?"

"Huh, anong magagawa ko? Sadyang ang lakas ng karisma ko. Ako pa lang, sapat na!"

"Yabang!"

"Teka, narinig ko sasali ka sa vocal solo? Legit ba yun?"Curious na tanong nito.

"Guni-guni mo lang yun."Biro ko rito.

Pinaningkitan ako nito mata.

"Alam mo, di ka magaling magsinungaling eh. Natatawa ka oh!"He pointed my mouth.

"Di ah!"

"Asuuuus! Mananalo ka sa contest na yan. Ikaw pa! You're dabest!"

Natawa ako sa tinuran nito. Ngunit unti-unti ring naglaho ang saya ko nang dumating ang girlfriend nito at ipinulupot ang braso sa beywang ni Kael.

Bahagyang kumirot ang aking puso.

"Hi. I'm Emmanuelle."Maarteng pakilala nung bagong dating.

"Hello, Emma. Ako nga pala si Gillian. Kael's bestfriend."Pakilala ko naman.

"Ohhh..."Napatakip ito sa sariling bibig,"...so sya yung sinasabi mo? Na kasabay mo sanang magharana?"

"Yup."

"OMG. Thank you ha? You're such a good good friend."Hinawakan ako nito sa balikat.

"Walang problema."Tipid na ngumiti ako.

"M, may ganap siya mamaya. We should watch and support."

"Gosh, K! May lakad tayo diba?"

"Ah! Tama. I totally forgot about that. Sorry, Gil. Di kami makakapanuod...Okay lang ba?"Nag-aalangang tanong ni Kael.

Ito kasi ang first time na wala siya sa kung anong event na sasalihan ko.

"Okay lang. Ano ka ba? Walang problema no! Sige na, una na ako."

Ako na ang unang nagpaalam para di an mahirapan ang bestfriend ko.

Gaya nga ng sinabi ni bestfriend ako nga ang nanalo sa ginanap na vocal solo singing contest. Alam ko naman na wala si Kael kaya umuwi na lamang ako sa bahay.

Bitbit ko sa aking mga kamay ang natanggap na tropeyo.Nasa bukana na ako ng pintuan nang maulingan ko ang pag-uusap ni mommy at ng aming family doctor.

I halted on my tracks.

"I'm so sorry, Leticia. Based on the blood results, she has Acute Lymphoblastic Leukemia."

"Doc, are you sure? Maybe there's-"

"She only has 3 months to live."

Napasinghap ako sa narinig sabay takip sa sariling bibig. Dahilan upang bumagsak at mawasak sa sahig ang bagay na kanina'y masaya ko pang dala.

I am sick? I am dying? 3 months... Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Nakakatakot pakinggan.

"Gil?Darling, kanina ka pa?"Bakas sa mukha ng mommy ko ang mga luha.

"M-Mom..."Nanginginig ang labing saad ko,"Mamamatay na ba ako?"

"GILLIAN! WAG MONG SABIHIN YAN!"Galit na sigaw ng mommy.

Umiling ako.

"I heard the doctor loud and clear. I have leukemia!I have leukemia! I have leukemia..."Napahagulhol ako ng iyak at nanghihinang napaupo sa sahig,"Ayokong mamatay... Ayoko... Huhuhu. Ayoko!"Sunod-sunod na iling ang aking ginawa.

Agad naman akong dinaluhan ng mommy't niyakap.

"Baby... Please... Stop, stop crying. We'll do everything para gumaling ka."

Patuloy akong umiiyak sa bisig ni mommy.

Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon