Part 9: Shortlived romance

361 31 0
                                    

2 months later...

"Gil, malapit na pala birthday mo. One month na lang! Matanda ka din! HAHAHAHA"

Nabasag ang aking pagkatulala sa malakas na tawa ni Kael.

"Uy! Seryoso ah? What's up?"

"Uhm, wala... I'm just thinking of something."

"Oh so panu? Gusto mo ba ng engrandeng birthday? Planuhan na natin ng mas maaga kung ganun."

"Ha?"

"Oh ba't parang wala ka sa sarili?"

"Ano ba kasing iniisip mo?"

'Baka kasi di na ako makaabot sa birthday ko.' Gusto ko sanang sabihin. Kaso ang hirap. Ang hirap-hirap!

"Wala! Advance lang mag-isip."

"Sus, iniisip mo na naman daddy mo kung dadating ba sa birthday mo?"

Mapait akong ngumiti.

"Sus, chill! Come on. Magiging okay din ang lahat."He gave a light tap on my face.

"I hope so..."Sabi ko nalang sabay tingala sa kalangitan. Nagbabadya na naman kasing pumatak ang aking mga luha.

Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon