Part 6: He's partying; She's dying

369 36 2
                                    

Nakakabinging tugtugan ang nagaganap sa isang five star hotel. Debut ng kapatid ni Emmanuelle. Sobrang dami ng bisita.

Nagsasaya ang lahat.

Sa isang parte ng hotel ay naroon ang isang babae na pupungas-pungas habang binabaybay ang daan patungong ladies room.

"Miss, okay ka lang? Namumutla ka ah?"Dalo sa kanya ng isang babae.

"Ugh..I-I'm f-fine."Hirap kong sagot.

"You sure?Para kasing~"

"Yes... thanks."Ngumiti ako.

Tumango ito at tinulungan akong makalapit sa isang cubicle.

"Sorry. Masama lang ang pakiramdam ko. May nakain yata akong di maganda."

Isang alanganing ngiti ang lumitaw sa mga labi ko.

Pagkaalis nito ay agad akong nagpunta sa lababo at naghilamos ng mukha. Nanlalamig ang kamay ko. Hirap na hirap na ako. Nanginginig ang mga kong kamay na hinagilap ang phone sa loob ng pouch. Kinaya kong takbuhin ang cubicle para makaupo roon.

I dialed Kael's number. Nakailang ring bago sumagot ito. Pero hindi si Kael ang sumagot .

"Hi. This is Emmanuelle. Kael's gf. What do you want?"

So... sila na palang talaga. Sinikap kong magsalita ng maayos.

"Uhm, pwede ko ba siyang makausap Emma?

Narinig ko ang pagtawag nito kay Kael.

"Hello Gil. Ano, uuwi ka na ba? Sorry di yata kita maihahatid eh. Sorry talaga. Alam mo naman diba? Si Emma di ko pwedeng iwan ngayon."

Napalunok ako sa narinig.

"I know. I understand."Pilit kong pinasigla ang boses."I can manage going home alone naman eh."

"Thank you! Your the best!"

"Bye~" *toot* *toot*

Nanlulumo kong inilapag ang phone sa hita ko at sunod-sunod na nagsipatakan ang luha ko. Kasabay mo nun ang pag-inda ko sa tindi ng nararamdamang sakit. Ilang minuto ang inilagi ko roon para pakalmahin ang sarili ko.

Sumakay ako ng taxi pauwi ng bahay. Pagpasok ko ng bahay ay doon na naubos nang tuluyan ang natitira kong lakas. Napaluhod ako bigla. Napadaing ako sa sakit ng impact. Nakayuko ako sahig nang narinig ko ang pagtawag ni mommy. 

Napaiyak ako lalo nang makitang may dugo na tumutulo mula sa aking ilong. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko iyon at bahagyang tinakpan ang ilong gamit ang aking kamay.

"MOMMY! H-HELP!!!"

"Darling! Anong nangyayari sa iyo?!"Maluha-luhang dalo ng mommy.

My heart started to beat erratically. I'm sweating a lot. I don't know what is happening anymore. It's going blurry. I smell rusts everywhere. I want to end this! I dont like this!

"Mom... help me please..."Hirap na hirap na pagsumamo ko rito.

"Yaya! Tulungan mo ko rito! Dalhin natin siya sa kwarto and contact our family doctor immediately!"Natatarantang sigaw ng mommmy ni Gillian.

Kapit-bahay lang nila ang tinutukoy na doctor.

Sumisigaw si Gillian nang dumating ang doktor. Matinding sakit sa katawan ang nararamdaman niya. Tagos sa buto! Nilalagnat na rin siya't pinagpapawisan. Maya-maya ay tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin.

(Follow and message me for the finale) :D Ciao!

Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon