Finale: One Last Cry

362 29 7
                                    

Pagkagising niya ay tila mas lalong humina ang pakiramdam ni Gillian ng sandaling yun at pati mga senses niya at nanghihina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkagising niya ay tila mas lalong humina ang pakiramdam ni Gillian ng sandaling yun at pati mga senses niya at nanghihina.May naririnig siya.Parang ring ng telepono pero di niya matukoy kung ano ba talaga.

Paglingon niya sa bandang kaliwa ay nakita niya ang cellphone na umiilaw at nagva~vibrate.

Pilit niyang inabot iyon.Tiningnan ang screen at nakita ang caller name.Napangiti siya.

BestMyLove Calling...

Nandoon pa ang picture ni Mikael.Nakangiti.At may hawak na fansign na kung saan nakasulat: I LOVE YOU, BESTFRIEND GILLIAN!

Pipindutin na sana niya ang answer button.Pero bakit ganun? Ayaw gumalaw ng mga daliri niya?Wala siyang lakas. Nagdo~double vision siya? Ano bang nangyayari? Gusto niyang humingi ng tulong.Pero wala ring lumalabas na boses mula sa kanyang bibig. Hanggang sa tuluyan ng nahulog ang hawak niyang cellphone mula sa kanyang kamay.Kasabay ng paghulog ng kanyang pulso.Patak ng luha ang bumasa sa kanyang pisngi.

Noooo... Kahit ngayon lang... Please... Pero tuluyan nang sinakop ng kadiliman ang kanyang paningin.

Dumating ang mommy ni Gillian at family doctor.Nagitla ito ng makitang wala ng malay ang anak.

"GILLIAN!! GILLIAN? ANAK, GUMISING KA! DIYOS KO.. TULUNGAN N'YO PO KAMI!"Pagmamakaawa ng ina sa pagitan ng pag~iyak.Niyakap nito ng mahigpit ang anak.

"Misis, mahina na ang pulso niya.Kailangan na siyang dalhin sa ospital.She's in very critical condition."

Agad na isinugod sa ospital si Gillian.Ngunit... Nagdeklara ng 'dead on arrival'.Labis~labis ang iyak ng ina ni Gillian.

"HINDI!GILLIAN?DIBA HIHINTAYIN MO PA ANG DADDY MO? BABALIK NA SIYA SA ATIN.. GILLIAN.. HUHUHU.. BAKIT MO INIWAN SI MOMMY?DOC? DOC? THERE MUST BE ANOTHER WAY! PLEASE... HUHUHU! PLEASE... DO ANYTHING TO SAVE HERRR!OH MY GOD!!WAAAAAH!AHHHH!"

Nagwawala na ang ina ni Gillian at hanggang sa mapaupo sa sahig.

"Misis...", inalo ito ng 'family doctor' nila, "If only.But, I'm really sorry.There's nothing we can do.I'm really, really, really sorry."

Patuloy lang sa pag~iyak ang ina ni Gillian.

"B-Bakit ganito, Doc?Siya... siya na nga lang ang meron ako.. *hik* Kinuha pa saken?Ano bang naging kasalanan namin?!Naging religious naman kami!We've sacrificed a lot for HIM!Bakit siya ganito?Huhuhu...Why...?"

(Author's Note: 1/4 pa lang ito ng finale😈 May chapter 10 pa na di na published, sorry.)

Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon