Part 5: Unbearable

387 34 0
                                    

Kasalukuyan kaming gumagawa ng good set up para sa aking song cover. Iyon kasi ang project namin sa Filipino. Ayaw ko namang makakuha ng low grade at matanggal sa dean's list. Baka ma-dean's lost ako dahil lang sa isang kanta. Marunong kaya akong kumanta.

I strummed the guitar strings.

"Oy Gil! Di pa ako tapos dito!"Tatawa-tawang wika ni Mikael."Inaayos ko pa tung angle ng video recorder."

I giggled.

"Testing lang naman eh! Baka pumalya ako sa unang take. Madi-distract  na ako. Mas matatagalan tayo. Sige ka, mababaon sa limot yung plano natin kung papano mo susuyuin si Emmanuele."

"Heto na nga't bibilisan ko! Sige take your time. Keep practicing!"

Ayun nga't nagpatuloy na ako sa pagigitara. Tinutono ko rin.

Maya-maya'y nagsalita ito.

"Ayos na ba yung backdrop, Gil?"

Nasa bandang likuran ko na pala ito. Di ko napansin. Lunod na lunod ako sa mga iniisip ko.

Tumingin ako sa harapan.

"Tapos ka na sa pagse-setup?"

"Uhuh."

Tiningnan ko ang backdrop. Nature kasi ang theme kaya mas napili ko yung nasa dagat. At ako mismo ang nag-paint. Tinulungan rin ako ni Mikael. Same kami ng passion. Painting :)

"Hmm, maganda. Syempre tayong gumawa!"

"No. Ikaw."Ginulo nito ang buhok ko.

"Ay ano ba! So annoying. Masisira pagkakaayos ng buhok ko! Di pa nga tayo nagsisimula eh!"Reklamo ko at nag-pout.

He pinched my cheeks.

"Really cute."

Ang totoo? Kinikilig talaga ako kapag may mga papuri sya sa akin.

"You ready?"

"Um, sige..."

Nag-ring ang phone nito.

"Practice ka muna. I'll be back."Anito at umalis para sagutin ang tawag.

Hina-hum ko lang ang kanta habang naggigitara. Napansin ko ang anino nito na nakahilig sa pader at nakapamulsa kung hindi ako nagkakamali. Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa nang hindi ito tinitignan.

"Ba't ba ang lapit ng mukha mo sa gitara?"Random na tanong nito pero hindi ko sinagot.

He sighed.

"You know why I like Emma, Gil?"

Emma... First name basis.

Umiling lang ako.

"Doon ko lang naramdaman sa kanya yung slowmo na tinatawag nila. Yung unang kita ko pa lang sa kanya ay magaan na ang loob ko. Sobrang gaan na para akong lumilipad. We texted. We had a sweet convo. Unti-unti, nagkaroon ako ng deep feelings sa kanya. Napakamaalalahanin niya."

Gusto kong isagot sa bawat pangungusap nito ang katagang 'Ako rin naman ah'?

Ganun na ganun ang naramdaman ko kay Mikael. Too bad. We're JUST BEST OF FRIENDS!

Nagpatuloy ito sa pagkukwento. Hanggang sa pinupuri na nito si Emmanuelle. Sa bawat papuri nito ay milyun-milyong saksak naman sa puso ko.

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Nagbabadya ng pumatak.

Hindi ko namalayan na sobrang lakas na ng pagkalabit ko sa strings sa huling verse kaya't naputol iyon at natamaan ako sa pisngi.

Napahiyaw ako sa sakit.

"Gil! Sabi na nga ba't may mali eh! Kanina ko pa napapansin na parang uneasy ka."

I started sobbing. Di ko na kaya. Ang sakit-sakit na talaga.

"Sshh. Wag ka ng umiyak. Tahan na. Gagamutin natin yan okay?"Alo nito saken.

Hindi naman ako umiiyak dahil nasugatan ang pisngi ko eh! Oo, kikay ako! Pero hindi ako umiiyak sa babaw na dahilan!

Hindi nga ba Gil? Hindi ba?!

"Maganda ka parin. Dont worry. It wont leave a scar. It'll heal."

Sana nga. Sana nga. Sisinghut-singhot. Nagpaalam ito para kumuha ng first aid kit.

I cried silently.

Tumulo ang mga luha ko sa gitara na syang naging saksi sa lahat ng sakit na aking dinaranas.

Sana Kael, pati puso ko kaya mong gamutin. Yung peklat sa puso ko malabo nang maghilom eh! Ang lala na...

Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon