Umuwi ng bahay si Kael. Agad na pumasok sa kanyang kwarto upang magbihis. Nakauniporme pa kasi siya. Balak niyang puntahan si Gillian sa bahay nito upang magpatulong na kumbinsihin si Emma. Total, ito rin naman ang dahilan kung bakit nakipagbreak si Emma sa kanya.
To be honest, nakaramdam siya ng inis kay Gillian. Balak na rin niyang bawalan ito sa pagsabi sa kanya ng mga katagang "I love you".
Sa kanyang pagmamadali ay hindi sinasadyang natabig niya ang isang picture frame. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag ang salamin.
Nagdalawang-isip pa siya kung pupulutin pa ba ang naturang bagay o aalis nalang. Regalo iyon ni Gillian noong nakaraang birthday niya. Pinulot niya ang picture frame at pinakatitigan.
It was a photo framed of him and Gillian wearing the biggest smiles on our faces. Kumakain kami ng cotton candy sa picture. Nasa carnival kami ng kunan iyon. Biglang nagflashback sa kanyang balintataw ang mga masasayang sandali kasama ang kaibigan. Hindi niya namalayan na ang kaninang nakabusangot na mukha niya'y nakangiti na ngayon.
"Hijo ano yung narinig kong nabasag? Okay ka lang?"
"Okay lang ako mom"
Dumako ang mga mata nito sa hawak niya.
"Picture frame namin ni Gil. Aksidente kong natabig."
Napansin niyang nag-iba ang kulay sa mukha nito. She looked a little worried and shocked at the same time. Di nalang niya pinansin kasi nagmamadali nga siya. Baka akala ni mommy na sinadya kong basagin yun? Lol. Childish thought.
"Uhm, hijo? Haven't you heard yet?"
Inilapag ko sa mesa ang nabasag na picture frame.
"mom mamya na kung ano man yan. I'm in a hurry!"sabi ko sabay takbo palabas ng sariling kwarto
"Where are you going?"Sigaw ng mommy niya.
"Gillian's!"
May sinabi pa ang mommy niya pero di na niya narinig dahil mabilis siyang nakababa ng hagdan.
Pagdating niya sa bahay nila Gillian ay nagtaka siya kung bakit sobrang tahimik. Usually kasi kapag ganitong oras nagpapractice si Gillian ng piano sa may hardin nila habang yung mom naman nito ay nagdidilig ng halaman. Minsan pa nga niyang narinig ang tawanan ng mag-ina mula sa labas pa lang ng gate. Ngunit ngayon, sobrang tahimik. Nakakapanibago.
"Si Gillian mo Aleng Mesay?"
Katulad ng reaksyon ni mommy ka
nina ay siya ring reaksyon nito."Bakit? May nangyari po ba?"
"Nasa ospital siya ngayon, hijo..."
"Ho?! Bakit po? Nahilo na naman po ba siya?"Nag-aalalang tanong ko.
Wrong timing yata ako. Pero bakit di ko alam yun.
"Sige po. Salamat po. Ano pong ospital?"
Matapos malaman ang pangalan ng ospital ay agad na pinaharurot niya ang motorsiklo.
Dali-daling pumasok si Kael at tinungo ang information desk ng naturang hospital. Nagtanong siya kung saan ang room ng kanyang bestfriend. Ngunit mas lalo lamang siyang kinabahan nang sabihin ng nurse na nasa ICU daw ang pasyenteng tinutukoy ko.
What? Ganoon kalala?
Hindi ako mapakali kaya't agad na tinungo ko ang ICU. Sa daan ay tumabi ako dahil may mga dalawang lalakeng nurses ang nagtutulak ng stretcher. May pasyente doon na nababalot ng puting tela ang buong katawan. Ngunit paglagpas sa kanya ay di nakaligtas sa kanyang paningin ang pamilyar na bracelet na suot ng naturang pasyente.
BINABASA MO ANG
Te Amo Para Siempre, Bestfri-END (Book I)
Short StoryFormer: A Song for my Bestfriend (Short Story) Prologo: Tanong ko lang. Paano kung ang bestfriend mo is opposite sex?Pagkatapos nagkagusto ka sa kanya?Sasabihin mo ba? Ipagtatapat mo ba?Kaya mo ba?May lakas ng loob ka ba para sabihin?Paano a...