Chapter 2

5.8K 153 3
                                    

ZACK

"I will not consider your request, Moreno! I can consider another week of leave, aside from the one week I've approved, but not this resignation! You may now leave."

"P-pero Sir Zack, ayaw na po talaga akong p-payagan ng fiance ko, pati na rin po ng pamilya nya. P-please understand po." naluluhang pakiusap ng sekretarya ko.

But hell no! I won't allow it. It will create chaos on my schedules without a secretary since the new season is approaching. I need to prepare with my team Red Fox since kami ang defending champion ng nakaraang MBA Governor's Cup.

"Just don't give me a damn teary eye, Dianne! I can't let you go with the coming weeks dahil magiging busy na'ko, do you understand that?!"

Halos sumabog na'ko sa inis sa babaeng ito. I'll be very busy in the following weeks, and I don't want to leave the faith of hiring another secretary with the HR head dahil palagi nalang itong palpak!

Iniisip kasi nito na basta't seksi at maganda, wala mang work experience e tatanggapin talaga at pagsisimulain na sa trabaho kahit wala pa akong approval.

Napahilot ako sa aking sintido. Kababata kasi ng nanay ko si Ms. Quirino kaya kahit gustong-gusto ko na itong tanggalin ay hindi ko magawa. Naiinis na talaga ako sa kapalpakan pero wala akong magawa!

Well, I can't blame the old maid.

'Yun din kasi ang bilin ko a year ago. Sa sobrang busy ko bilang isang basketball player at VP nitong Ferguson Group of Companies, sinabi ko sa kaniya na basta pumasa sa kaniya, pag-umpisahin na. Ang mahalaga' y meron akong assistant na matatawag ko sa LAHAT NG ORAS. Hindi ko lang inakalang para sa kaniya, basta sexy at maganda ang babae, okay na.

Nasanay na yatang sa isang linggo, iba-ibang babae ang nauugnay sa akin at minsan pa'y pumupunta sa opisina kahit pa istrikto kong ibinilin na huwag basta-bastang tatanggap ng bisitang babae na walang permiso o appointment sa'kin.

Dito lang siya kay Dianne Moreno hindi sumablay after more than 10 secretaries sa isang taon. Pito sa mga naging sekretarya ko ay naging ka-one night stand ko, at hindi ko ugali ang umulit. No, I don't treat them seriously and with commitment, and they knew it the day they decided to go out with me. It's clear to them, and besides, hindi ako ang lumalapit sa kanila para makipaglandian.

Ayoko sa commitment. Perhaps, I haven't met the right one for me? Ewan ko, basta ayoko nang may nagkokontrol sa'kin. Ang mga babaeng nadidikit sa pangalan ko ay pawang mga panandaliang aliw lamang. Just pure physical attraction. A one night stand, then goodbye.

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig kahit pa kitang-kita iyon sa aking mga magulang. I don't know why. I don't care. I just want to enjoy being me.

What can I do? I'm a healthy male specie with an active sexual needs. Kahit pa sa totoo lang, wala talaga silang silbi sa kumpanya. It will always end up terminating them. Mga walang maitulong pagdating sa trabaho.

Kung hindi lang talaga kababata ng nanay ko ang HR head, nasisante ko na rin yun.

Kaya ayokong bitiwan itong sekretarya kong si Diane ay dahil mag-aanim na buwan na'to sa akin at kahit papa'no naman, okay ang performance sa trabaho. Kaso dahil faithful at mahal ang fiance, eto't gusto namang magresign dahil ikakasal na.

"S-sir Zack, a-ayaw na po talaga akong payagan ng fiance ko. Saka-," at kusa siyang huminto sa pagsasalita.

"What?!" singhal ko.

"N-na-iinsecure po kasi ang fiancee ko sa inyo, Sir. Alam niya po kung gaano kayo kaguwapo at hot." kagat-labi pa itong humagikhik na agad ding naputol nang malakas akong sumigaw.

CAPTAIN MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon