"Hoy, bitiwan niyo siya! Isang kanti niyo pa sa unggoy na 'yan kahit dulo ng daliri, pipilipitin ko 'yang leeg mong mukhang giraffe at ihihiwalay ko diyan sa ulo mong mukhang pakwan!"
Batid ko kung kaninong boses iyon.
Ano'ng ginagawa ng babaeng ito dito? At talaga ba namang tawagin akong unggoy? Talagang sinusubukan ng babaeng 'to ang pasensiya ko!
Hindi niya ba nakikitang pinalilibutan kami ng hindi bababa sa anim na lalaki na sigurado akong sanay pumatay ng tao?
Humanda ka talaga sa'kin Gwen, talagang sesesantihin na kita makatakas lang tayo dito.
"Kapag sinuswerte ka nga naman Ferguson, isang babae pa ang magtatanggol sa'yo?" ani ng tila lider. Ito ang may leeg na giraffe.
Nahihilo na'ko at namamanhid na ang buo kong katawan. Tadtad ako ng mga sipa, suntok at nalalasahan ko na rin ang sarili kong dugo. Halos hindi ko na makita ang paligid ko dahil sa pamamaga ng mga mata ko pero pinilit ko pa ring tumingin sa sekretarya kong pakialamera at wagas kung makapanglait.
"Arrrgghh..A-ano ba ang ginagawa mo? Umalis ka na dito!"
Pero imbes makinig, relax lang niyang itinali ang kaniyang buhok at naghubad pa ng kaniyang blazer. Lalong nag-init ang sarili ko sa galit dahil ngayon, tiyak pinagpipyestahan na ng mga hinayupak na'to ang may kaputian at makikinis niyang balikat at braso.
Tinanggal niya pa ang suot niyang high heels at nakita ko pa kung paano siya mapangiwi sa nagliliitang mga bato na ngayo'y naapakan niya.
"Ba't ba kasi kailangan ko pang magsuot ng ganitong klase ng sapatos?!" naiirita niyang bulong pero narinig ko pa!
Kakaiba talaga ang babaeng ito.
Damn you, Gwen! Ano ba'ng ginagawa mo?! Hindi kita maililigtas sa mga iyan, lumayo ka na, pakiusap!
Gusto kong isigaw ang nasa isip ko ngunit hinang-hina na talaga ako. I wanted to protect her at hindi ko gugustuhing mahawakan siya ng mga ito!
Nang bigla'y napalitan ng kakaibang galit ang kaniyang mga mata. Pumosisyon siya ng magkahiwalay ang dalawang paa habang ang kanan ay nasa unahan at ang dalawang kamay ay nakataas na tila tulad ng isang nanghahamon.
I will kill you myself, Gwen. I swear!
Halos kapusin ako ng hininga nang bigla'y sinugod siya ng mga lalaking iyon. Pero sa gulat ko, kitang-kita ko kung gaano siya kabilis umilag sa mga ito.
Laglag panga akong nakamasid lamang.
Is she for real?! Parang si Black Widow ang nasa harapan ko only I am seeing my secretary doing it!
Napakabilis ng mga kilos niyang susuntok, iiwas, at babaliin ang braso ng mga kalaban. Mabilis din siyang umikot sabay sipa sa dibdib ng isang kalaban. Tumba kaagad ito sapo ang dibdib. Pinulot niya rin ang isang makapal na tubo at walang awa, eksperto niyang pinaghahampas sa mga tuhod at katawan ang mga ito. Tumba ang mga nasa harapan namin maliban sa lalaking may hawak sa'kin ngayon.
May biglang pumutok at sa gilalas ko, kaybilis niyang nailagaan ang bala nang paluhod siyang dumausdos papunta sa lalaking may hawak ng baril.
Ilang beses akong napalunok at napapanganga.
Paano niya nagagawa ang ganoon kabilis na kilos? Agad niyang naagaw ang hawak nitong baril at walang sabi-sabing ipinukpok sa ulo nito saka mabilis niyang itinuon sa lalaking nasa likod ko ngayon.
Hawak-hawak ang buhok ko at may nakatutok na baril sa aking leeg.At hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang mga mata meron si Gwen ng mga oras na iyon.
Napakatalim at puno ng tapang.
Bakit ka ganiyan kagaling kumilos?
Sino ka talaga, Gwen?
"Napakahusay mo pa rin! Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang mga landas natin, Capt. Madrigal!" sabay tutok sa kaniya ng baril na kanina'y nasa aking leeg.
Napasinghap ako sa narinig.
"M-Madrigal? C-Captain?!" hirap kong nasambit dahil sa gulat.
Nagpapanggap lang ang kasa-kasama kong sekretarya?
"Malamang, Borris. Hangga't may mga taong katulad mo na nagpapalaganap ng kasamaan at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, asahan mong lagi pa rin akong nariyan." matalim ang boses at tingin niyang sinabi.
Muli'y may pumutok at nakita ko na lamang ang braso niyang may tama na ng bala habang masaganang dumadaloy na ang dugo.
"G-Gwen!" nanghihina kong sigaw sa pag-aalala. Kasabay noo'y pinukpok ako ng baril sa ulo. Narinig ko na lamang ang papalayong sasakyan.
I did my best not to lose my consciousness but it's almost.
"Zack!" tumatakbo niyang tawag papalapit sa'kin. Hindi alintana ang tama ng baril sa kaniyang braso.
"M-May t-tama ka." halos hindi ko iyon masabi.
"Zack, stay put. Parating na ang tulong." hawak niya ang mukha ko habang nakatitig sa'kin.
Napakabilis ng mga pangyayari. Halos ayaw pumasok sa utak ko ang mga nakikita't naririnig. Nag-buffer na yata o napuno na ang memory card sa utak ko. Nakita ko ang maraming dugo sa kaniyang braso at nagkalat na sa kaniyang damit at pantalon pero hindi man lang siya natinag. Sa halip, bago ako tuluyang nilamon ng dilim, narinig ko pa siyang nagsabi.
"Huwag kang bibigay, sinasabi ko sa'yo. Kahit guwapo kang unggoy, talagang sasapakin kita. Kaya huwag kang bibigay, Zack!"
Hindi ko maiwasang mangiti sa mga narinig. At bago pa man ako nawalan ng malay, ramdam ko ang kakaibang tibok ng aking puso na kailanma'y hindi ko pa nararanasan.
The names, places, happenings or scenarios, and other information reflected in this story are pure coincidence and just a result of creative imaginary lines of the author.
BINABASA MO ANG
CAPTAIN MADRIGAL
De Todo*Preview Only* Intimidating and Arrogant - 'yan si Zack Ferguson. A certified hunk and an every woman's dream. Nasa kaniya na ang lahat ng katangiang pagpapantasyahan ng mga alagad ni Maria Clara at ni Barbie! Sanay na siya ang hinahabol at wala pan...