"NASAAN NA SI DANILO MAGSAYSAY?! KUNG HINDI NYO KAYANG IBIGAY ANG KONDISYON KO, PASASABUGIN KO NA ANG BUNGO NG BABAENG 'TO!"
Kandalabas na ang mga ugat sa leeg ng hostage taker na may maraming tattoo sa magkabilang braso.
Hindi na niya napigilang mapabuga ng hangin sa bibig.
Makulit din talaga ang hostage taker na 'to. Feelingero talaga!
Hingin ba namang makausap ang sikat na newscaster? Ano'ng 'pinaglalaban nito? E tyak, nagsisimula na ang talk show no'n ngayon!
Alas-diyes na ng umaga, por dios por santo!
Hindi na mapigilan ni Gwen ang manggigil dahil sa mabaho pa ang napiling lugar ng suspect para ganapin ang hostage drama.
Tsk, tsk! Napakamot na sa kaniyang ulo si Gwen. Mag-aapat na oras na silang nakikipag-negosasyon dito, pero heto't kung kailan sasa-himpapawid na ang hinihinging tao, siya nya pa lang ide-demand!
Amazing! She rolled her eyes in dismay.
Akma na sana siyang lalabas sa pinagtataguang poste nang bigla siyang higitin pabalik ng may katandaang pulis.
"Don't you even think about it, Madrigal. Manatili ka lang dito!" ani ni SPO3 Ray De Leon.
Inis niyang kinamot ang likod ng kaniyang tenga.
"Haist, Sir naman! Kanina pa po tayo dito. Hindi po ba kayo naaawa sa buntis? Mamaya niyan, manganak pa ng alanganin si Ate. Wala naman nang pag-asang pupunta dito si Magsaysay," at sinipat nito ang relo saka ngumuso sa kausap.
"Malamang umeere na ngayon ang talk show nun sa TV. Hindi 'yun makakapunta dito".
Pero hindi man lang naligalig ang matalik na kaibigan ng kaniyang ama. Sinamaan lang siya nito ng tingin at sininghalan.
"Delikado 'yang iniisip mo, Gwen, kung anuman yan. Umayos ka! Alam kong matapang ka at walang inuurungan, pero hindi sa lahat ng bagay ikaw masusunod, understood?!"
Tamad na lamang na napairap sa hangin ang dalaga. Sumimangot siya't napatingala sa mataas na kisame ng abandonadong building na'yon.
Minsan, gusto na talaga niyang mapikon sa kaniyang ninong na nataong hepe din nila. Lagi na lang kasi, kapag magkasama sila nito sa isang misyon, tila nakakalimutan nitong pareho lamang silang pulis at nanumpang poprotektahan ang bayan, kahit buhay ay ilalaan.
"Hay, naku po!" pabulong niyang reklamo. "Ilang oras na dito, wala namang nangyayari sa negosasyon."
Gayunpaman, hanggang inis lang naman 'yon at bigla ding nawawala dahil kung ituring siya nito ay parang tunay na anak. Dalawa sila ng nakababata niyang kapatid na kung ituring nito at ng misis ay parang tunay nang mga anak lalo na nang tuluyan na silang maulila sa magulang. Dalawa lang kasi ang anak ng mag-asawa at pawang nasa ibang bansa pa.
Bigla'y naisipan niya itong biruin.
"Nong, masakit pa po ba ang arthritis niyo? Sabi po kasi ni Ninang-,"
"Sinong may arthritis?! Malakas pa'kong sumipa sa kabayo! Aba't ang batang 'to!" mabilis siyang napalayo para umiwas nang akma siya nitong sasakmalin. Natawa siya ng palihim.
"Kung hindi lang kita inaanak nabatukan na kita!"
Agad siyang nag-poker face dito. Nakita niya ring natawa ang ibang kasamahan na nakapaligid sa crime scene.
Muli niyang sinilip ang lalaking maraming tattoo.
Lisik ang mga mata, naglalaway, tatawa tapos sisigaw? Ay, baliw na adik 'to na nalipasan na ng gutom. Mukhang sabog na sabog!
BINABASA MO ANG
CAPTAIN MADRIGAL
Aléatoire*Preview Only* Intimidating and Arrogant - 'yan si Zack Ferguson. A certified hunk and an every woman's dream. Nasa kaniya na ang lahat ng katangiang pagpapantasyahan ng mga alagad ni Maria Clara at ni Barbie! Sanay na siya ang hinahabol at wala pan...