Chapter 5

4.9K 147 4
                                        

Naka-bun ang kaniyang buhok at bahagyang kinapalan ang kaniyang kilay. Pinili niya ang isang off-white sleeveless blouse na tinernuhan ng gray pencil cut skirt two inches below the knee. Pagkatapos ay pinatungan ng ternong gray blazer. For the last retouch, isang manipis na make-up, at bangs na mala-betty la fea saka nagsuot ng reading glass. Hindi naman halatang walang grado kaya mukhang old maid na old maid ang kaniyang dating.

Suot ang old school three inches high-heel, habang bitbit ang isang corporate bag at ang credentials, pumasok si Gwen ng Ferguson Tower para sa interview.

Agad niyang tinungo ang receptionist sa ground floor. Maagap siyang binati ng babaeng nakacorporate attire din.

"Hi, good morning. I'm Gwen Sy. I have a scheduled interview for the secretary position." magalang niyang bati. Gwen Sy ang dadalhin niyang pangalan.

"Good morning, Mam. Please proceed at the 15th floor and kindly look for Miss Emily Quirino, Mam." magiliw din nitong bati.

"Thank you." She politely responded.

Ten o'clock ang appointment niya pero ngayon ay nine-twenty pa lang kaya kampante siyang umakyat at tinalunton ang sinabing floor. Pagkalabas pa lamang ng elevator ay agad na siyang napangiwi nang makita ang haba ng pila.

Tantiya niya'y nasa beinte ang mga ito at wow! parang mag-aaply sa pagmomodelo ang mga ito. Matatangkad at magaganda ang mga babae. Nagmukha tuloy siyang pandak nang tumabi sa mga ito.

Napatingin siya sa suot na damit nang makita kung gaano ka-seksi at sophisticated tingnan ang mga suot nito. Napalunok siya at bahagyang nag-alangan.

Tama ba ang napili niyang attire para sa interview na ito? Baka hindi siya ma-hire sa kaniyang suot? Siya lang ang naka corporate attire sa mga nag-aapply!

Alam naman niya ang proper code of conduct sa isang kumpanya pero hindi pa rin niya naiwasang mag-alala dahil sa kailangan niyang masiguro ang pagkakapasok sa FGC. Balita pa naman niya sa kaniyang pagre-research, playboy ang binatang basketbolista. Wala din itong paki sa mga public photos nitong naglalabasan habang may kalandiang mga babae.

Bahala na. May the force be with me! sa isip niya.

Maya-maya'y tinawag na ang kaniyang pangalan.

"Miss Gwen Sy?" agad siyang nagtaas ng kanang kamay. Tinanguan naman siya ng babae "Please come inside."

Inismiran pa siya ng mga babaeng nandoon. Narinig pa nga niya ang sinabi ng isa sa mga ito pero hindi na niya pinatulan.

"That's so baduy! Wala yata siyang idea kung sino ang boss."

"She will not be chosen."

"The nerve! Akala mo naman magugustuhan siya?!"

Hinga ng malalim, Gwen. Maximum tolerance, remember? Hindi ka marunong manabunot ng babae.

"So, Miss Sy. Please tell me about your self." ani ng may katabaan at tsinitang babae.

Tantiya niya'y nasa late 50's ito at mukhang palangiti. Nakaukit ang pangalang Emily Quirino, HR Head for Recruitment.

"My name is Gwen Sy, a graduate of Business Administration from Polytechnic University of the Philippines. I gained experience as Secretary to the President of the Montecielo Furniture Business for 2 years, and rendered 2 years as Secretary General of an NGO in Baguio." and so forth. Lahat ng nakalagay sa folder ay siyempre pawang ginawan na ng paraan ng kanilang tanggapan.

Matamang binabasa ng kaharap ang kaniyang portfolio. Mukhang kuntento dahil tumatango-tango pa ito.

Easy girl, you can do this. Have faith, you need to be engaged in this, otherwise, patay ka kay batman.

CAPTAIN MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon