Nag-igting ang panga ni Zack.
No woman dares to shout at him. Wala pang nanduduro sa kaniya at nagtataray!
"What did you just said, woman? Hindi mo ba kilala kung sinong kaharap mo ngayon?!" sabay suklay ni Zack sa kaniyang buhok gamit ang mahahaba nitong daliri. Kinagat nito ang pang-ibabang labi dahil sa panggigigil sa kaharap pagdaka'y nameywang.
Tila saglit namang nahipnotismo ang dalagang pulis. Bahagya pa itong napanganga na agad namang naitikom nang mabilis na matukoy ang ginawa.
Napalunok siya.
Shit, ang guwapo!
Ang tangos ng ilong at ang mga mata, parang biglang hinigop ang kaniyang kaluluwa. Sa mga braso at kamay pa lang ng binata ay halatang may sinasabi na ito sa buhay. Napakalakas ng dating nito sa suot na dark blue longsleeve na nakatupi hanggang siko. Kita ang bahagyang nakahulmang ugat sa may kaputian at makinis nitong mga braso. Nakakatawag-pansin din ang mahahaba nitong daliri na may pagkalinis-linis na mga kuko.
Nahiya naman bigla si Gwen. Mukhang mas mabango pa at malinis tingnan kesa sa kaniya ang lalaki.
Matangkad siya sa normal height ng isang babae pero talagang napapatingala pa siya sa lalaking kaharap. Tantiya niya'y hindi ito bababa sa 6'3.
Pasimple muna siyang lumunok ulit ng laway niya bago naglakas-loob na nagsalita.
"Bakit, sino ka ba?" taas ang kilay na tanong ni Gwen. Nakapameywang din ang babae at mukhang nag-uusok na rin ang ilong ng lola niyo. Kahit naman kasi napaka-guwapo nito, sumisigaw naman ang kayabangan nito.
Matatalim ang mga matang ngumisi si Zack.
"Hindi ka ba nanonood ng tv? Sports TV? MBA, Red Fox?" mayabang na tanong nito, kampanteng makikilala ng babae.
"Huh! Ano ba 'yon?"
"Really? You don't know?" namamanghang tanong ng binata.
Umiling si Gwen at nagkumpas sa ere na parang walang pakialam sa sinabi ng basketball player, sabay talikod at hahakbang na sanang pabalik kay Scarlet.
Pero biglang bumangon ang kakaibang inis sa binata. Seriously?! Hindi siya nito kilala? Matinding insulto para sa kaniya 'yon.
Idagdag pang tinalikuran siya nito at iniwan!
Nagsasalpukan ang mga kilay ni Zack nang mabilis niyang hinabol ang babae at hinarang.
Biglang preno si Gwen at mabilis na napatuwid ng tayo nang halos sumubsob na siya sa dibdib ng aroganteng lalaki.
"Teka nga, Miss. Hindi ka naman siguro bastos para basta mo nalang akong talikuran? Ikaw na nga itong umabala sakin, ikaw pa ang may ganang magtaray at talikuran ako? You're unbelievable!"
"Alam mo, napaka-arogante mo't mayabang. Feeling mo sikat ka?"
"Hindi mo ba talaga ako kilala?"
Sarkastikong bumuga ng hangin sa ere ang dalagang pulis bago nanggigigil na sumagot.
"Tsk, tsk tsk. Hindi ka lang pala iresponsableng driver, no? Napakayabang mo rin at antipatiko. E sa hindi nga kita kilala!"
Imbes na mas mainis pa ng todo, kakatwang gustong mapangiti na ng binata.
Why is he finding this woman gorgeous and pretty the more she gets angrier? Namumula na ito sa galit, he is so sure.
Feisty, huh!
Saang lupalop ba ng bansa nanggaling ang babaeng 'to at kahit sa malaking billboard niya na nasa Edsa e hindi siya nito mamukhaan!
BINABASA MO ANG
CAPTAIN MADRIGAL
Random*Preview Only* Intimidating and Arrogant - 'yan si Zack Ferguson. A certified hunk and an every woman's dream. Nasa kaniya na ang lahat ng katangiang pagpapantasyahan ng mga alagad ni Maria Clara at ni Barbie! Sanay na siya ang hinahabol at wala pan...