Chapter 4

5.2K 120 3
                                        

GWEN

"Mauna na'ko sa'yo, Dale. Siguraduhin mo lang, walang gripong tumutulo. Lagot ka sa'kin 'pag may naabutan ako, maliwanag?"

Kailangan kong iremind ang nag-iisa kong kapatid matapos kong maabutan noong isang araw ang bahagyang hindi naisarang gripo sa lababo. Kaunting tulo lang iyon pero ayokong may mga nasasayang.

Aba'y sa hirap ng buhay ngayon, kailangan talagang maging wais lalo na at sa ibang lugar pahirapan ang tubig.

"Huwag kang aalis ng hindi nakakapag-almusal at tumawag ka sakin kung gagabihin ka."

Papungas-pungas pa ng kaniyang mata si Dale Madrigal, nag-iisa kong kapatid na nasa huling taon na ng kurso niyang civil engineering sa edad na 21. Kaming dalawa na lamang ang magkasama since lubusan kaming naulila nang mamatay si Tatay. Naunang nawala sa amin si Nanay pitong taon na ang nakakaraan dahil sa isang pagpapasabog sa mall gawa ng isang grupo ng mga terorista. Mabuti na rin na hindi pa natapos ang taon at napag-alaman kung sino ang mga salarin, kaya kahit papa'no ay gumaan na rin ang aming pakiramdam sa hustisyang nakamit.

"Opo ate, ako nang bahala. Sorry talaga nung nakaraan, Ate. Nakalimutan ko kasing may usapan pala kami ni Liezel na pupunta ng St. Therese Hospital para sa internship application niya. Kaya nagmadali na ako nung tumawag." sabay yakap sa akin mula sa gilid ko.

Ginulo ko na lang ang kaniyang buhok. Close kami ng mahal kong kapatid, pitong taon ang agwat namin. Matangkad siya sa'kin at halos hanggang panga niya lang ako pero parang baby ko pa rin ito at may takot sa akin. Varsity player din ito sa pinapasukang unibersidad.

"O siya, basta ha? Ingat sa pagmamaneho at mag-aral ng mabuti. Konting tiis nalang, makakapagtapos ka na rin. Iyan lang ang hiling ng ate sa'yo at tiyak sina Tatay at Nanay ay ganun din. Kumusta mo ako kay Liezel."

"Yes, Kap!" nagbiro pa itong sumaludo sakin. "Lagi ka nga nun tinatanong e. Alam mo namang idol ka nun masyado. Saka nagtatanong bakit daw hanggang ngayon wala ka pang boyfriend. Balak yatang ireto 'yung pinsan niyang seaman." nakangiting sabi ng kapatid ko.

Umangat ang kanang kilay ko sa narinig.

"Ay naku Dale, alam mong wala akong panahon diyan, di ba? Alam mo naman ang pangako natin kay Tatay, di ba?Isa pa, hindi na nga kita halos mabigyan ng atensiyon dahil sa trabaho ko."

"Ate, alam ko naman ang pangako mo kay Tatay at hindi na rin naman po ako alagain. Malapit ka na kasing mag-treinta. Kahit bf wala??"

Mabilis itong lumayo sa'kin nang inambaan kong sasapukin.

"Uy, iho, tigilan mo nga ako't kung makapagtreinta ka ha? 28 pa lang po ako!" napairap ako dun a.

Natatawa namang inabot ako ni Dale at niyakap ng mahigpit.

"Ate, alam ko naman po kung gaano kahalaga sa iyo ang pangakong hustisya kay Tatay. Pero hindi rin noon gugustuhing hanggang ngayon wala ka pa ring lovelife. Iba 'yung nakikita kong masaya ka rin at hindi puro trabaho at ako ang iniisip. Magiging engineer na'ko Ate, at ako naman ang babawi sayo." humiwalay siya sa'kin saka biglang tumingala at tila nililipad sa ulap na nagsalita.

"Buti ako, meron nang Liezel. Masarap kaya ang mainlove, Ate." nangingiti ito na parang buwang habang nakalapat ang dalawang kamay sa dibdib.

"Hoy, mamang labanos, umayos ka nga't baka mapagkamalan kang may mental disorder sa kakangiti mong parang timang. Aalis na'ko at makakatikim na naman ako ng sermon nito kay Ninong kapag hindo pa'ko kumilos. Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Dale Madrigal!" muli kong ginulo ang kaniyang buhok saka humakbang na'ko palabas ng bahay.

CAPTAIN MADRIGALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon