Itong tulang ito ay para naman sa mga taong, hindi pa nakakalimot sa nakaraang pinaglipasan na ng oras at panahon.
❝Orasan❞
Sa bawat pagtakbo ng orasan,
Dala-dala ko parin ang ating nakaraan.
Nakaraang pilit kong kinakalimutann,
At mga ala-ala ng ako'y iyong iniwan.At sa mga oras na 'yon,
Pilit kong ibinabalik ang mga oras at panahon,
Mga oras na tumitigil ang mundo pati na ang pagbagsak ng mga dahon.Pilit parin naghihintay dito,
Kahit dumaan pa ang mga oras sa kalendaryo.
Dahil kahit saan ako tumingin nakikita'y anino mo,
At di ko alam kung paano ititigil 'to.At sa bawat pagtakbo ng orasan,
Hinihiling kong sana'y dumating ang panahon.
Na mawala na 'tong nararamdaman ko sa'yo,
Kasabay ng paghampas ng mga alon.Maraming tanong sa aking isipan,
Maraming bakit ang hindi mabigyang kasagutan.
Dahil oo, hanggang ngayon nandito parin ang bakas ng malungkot nating nakaraan.Sana katulad nalang ako ng orasan,
Na kapag lumipas ang mga oras lilipas at makakalimutan ko na rin ang nakaraan.
Dahil ayoko ng maalala lahat ng oras na nasayang dahil iniwan mo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.Naniwala ako sa mga pangakong binitawan mo,
Naniwala ako sa 'tayo'.
Naniwala ako na ikaw at ako lamang hanggang dulo.
Pero ilusyon lang pala lahat ng pinaniniwalaan ko.Salamat sa mabulaklak mong mga salita,
Napaikot mo 'ko at binigyan ng panandaliang saya.
Salamat dahil kahit papano sa maikling panahon, naramdaman ko ang aking halaga.
Kahit alam kong ang iba'y kasinungalingan lang pala.At sa patuloy na pagtakbo ng orasang 'to,
Naguguluhan parin ako sa sinabi mo na hanggang dulo ay tayo.
Kase bakit ganito ang kinahantungan ng sinasabi mong tayo?
Kasabay ng pagtigil ng oras, ay natuldukan din ang mga pangako mo.