[11]

52 1 0
                                    

Para sa mga taong patuloy na nagmamahal at umaasa, kahit pa may mahal itong iba.

Hindi Inaasahan

Nakita kita,
Nagdulot agad ito sa'kin ng kakaibang saya--
Sapagkat, mapagmamasdan ko na naman ang iyong mukha,
Pati na ang magaganda mong mga mata.
Na sa'kiy nagdadala ng tuwa.

Nagkita na naman tayo,
Pilit ko na namang itatago ang kilig ko.
Iiwasang hindi mapangiti sa t'wing daraan ka sa harap ko.
Pilit na pipigilin ang nadaramang sasabog na kakapigil ko.

Gusto kong sumigaw,
At humiyaw-hiyaw.
'Pagkat buo na naman ang aking araw.
Tumatalon ang puso at ang dahilan ay ikaw.
Damdamin ay humahataw.
Dahil ngiti mo'y muli kong natanaw.

At nagkita ulit tayo.
Ngunit, hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Magkahawak ang kamay niyo,
Mga hagikhik niyo ang naririnig ko,
Na nagpapahiwatig na masaya talaga kayo.
At makikita rin ito sa mga mata niyo.
Ang tanga ko,
Umasa na naman ako.

Nagpadala na naman ako sa mga ilusyon ko.
Nakalimutan ko,
Na ako itong babaeng nakatingin lang sa malayo habang masaya ka sa iba.
Ako pala itong babaeng kahit anong gawin ay para sayo wala paring halaga.
Nakalimutan kong--
Isa nga lang pala akong babaeng sayo'y patuloy na umaasa.

Hindi ko inaasahan na--
Sa muli nating pagkikita,
Masaya ka,
At ako?
Nagmukha na namang tanga.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon