[07]

66 6 0
                                    

Para sa mga taong malapit ng mabuo, ngunit muling nawasak sa sandaling bumalik ang taong dahilan ng kaniyang pagkadurog.

❝Bakit pa?❞

Bakit pa?
Bakit kailangang bumalik ka pa?
Bakit pa kung kailan paglimot ko sayo'y malapit na?
Bakit ngayon pa?
Bakit hindi noong mga panahong kailangan kita?

Mahal, malapit na akong mabuo,
Pero nang bumalik ka'y unti-unti na naman akong gumuguho.
Mula sa puso kong dati'y buo,
Ngayon para na lamang itong punit na papel, na kailanma'y hindi na mabubuo.

Ang iyong pagbalik, ay nagdulot sa'kin ng pait.
Dahil naalala ko na naman lahat ng sakit.
At kahit na anong pilit,
Patuloy parin itong bumabalik-balik.
Na sa gabi sa'ki'y hindi nagpapatahimik.

Sabi nila, "kapag mahal ka babalikan ka"
Pero sa sitwasyon natin ngayon, "kapag wala ng reserba babalikan ka".
Ganon naman palagi diba?
Babalik ka lang kapag wala ka ng ipangpapalit na iba?

Mahal, akala mo ba nakalimutan kona?,
Na sinaktan mo'ko at pinagpalit sa iba.
Akala moba nakalimutan kona?,
Na nagawa mo'kong iwan kase mas masaya ka sa kaniya.
Lahat ng iyan nagiwan ng marka at hindi na mabura.

Mahal, kung bumalik ka para sabihing mahal mo parin ako.
Itago mo sa bato, hinding hindi na kita papa-pasukin ulit sa buhay ko.
Dahil ayoko ng masaktan ulit at maloko,
Maloko at masaktan sa parehong dahilang ginawa mo.

Ayoko ng magpakatanga pa.
Sa mga pangako mo, ayoko ng maniwala pa.
Sa mga matatamis mong mga salita, ayoko ng mahulog pa.
Dahil mahal, kinaya ko na.
Kinaya ko na kahit wala ka pa.

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon