[16]

18 2 0
                                    

Naranasan niyo na ba yung tipong akala mo mayroong kahulugan yung mga kinikilos niya pero wala pala talaga? Para sa inyo ang tulang ito.

❝Motibo❞

Naniwala ako,
Binigyan ko ng kahulugan ang mga ikinikilos mo at lahat ng salitang lumalabas sa bibig mo.
Kaya kasalanan ko,
Kung bakit nahulog ako sa mga patibong mo.

Tuwing umaga,
Inaasahan kong babatiin mo agad ako,
Itinatanong kung kumain na ba ako,
Magagalit ka kapag sinabi kong "Hindi pa, tinatamad pa ko." --
At sasabihin mong "Wag ka ngang magpalipas ng gutom, baka magkasakit ka, hay nako."

Sa gabi,
Itinatanong mo rin kung bakit hindi pa ako natutulog,
Sasabihin kong "Mamaya nalang, may pinapanood pa ko."
Papagalitan mo'ko at sasabihing "May pasok ka pa bukas, matulog kana anong oras na oh."
At ako naman tong si uto-uto,
Sinunod agad ang sinabi mo dahil baka ika'y magtampo.
Daig mo pa ang nanay ko kakasermon mo,
At daig mo pa ang nanay ko--
Dahil napasunod mo 'ko.

Araw araw ganyan ang eksena
nating dalawa,
At sa t'wing may dumarating sa'kin na problema nandiyan ka--
Iyong labi'y naglalabas ng mabubulaklak na mga salita,
Na akin namang ikinatutuwa,
Dahil sa muli, ay naramdaman kong saki'y meron pang nagpapahalaga.
Sinabi mo pa saking "Pangako, nandito lang ako lagi, hindi kita iiwan wag kang magalala."

Pinanghawakan ko ang pangako mo,
Naniwala ako na hindi mo talaga ako iiwan at mananatili ka sa tabi ko.
Pero bakit ganito?
Kung kailan hulog na hulog na ko--
Bigla ka nalang hindi magpaparamdam at babalewalain ako.

Nabulag ako sa mga kilos mo,
Nabihag ako ng mga salitang lumalabas diyan sa mga labi mo.
Nahulog ako sayo,
Pero hindi ko naman alam na lahat pala ng 'yon ay ginagawa mo sa lahat ng nakakasalamuha mo--
Na akala ko sakin lang,
Akala ko ako lang.

Sobrang laking pagkakamali pala ng ginawang kong nagtiwala ako sa'yo.
At kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito,
Kung hindi ko lang sana binigyan ng kahulugan ang lahat iyon,
Hindi ako masasaktan ng sobra sobra ngayon.
Sana pala naniwala nalang ako sa mga kaibigan ko nang sabihin nilang--
"Hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo, huwag kang maniniwala agad kung hindi ka sigurado."



Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon