[14]

34 1 0
                                    

Sa mga taong tanggap na ang katotohanang wala na talagang pag-asa maayos ang minsan ng nasira, para sa inyo 'to.

❝Huling Tula Ko Para Sa'yo❞

Ito na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
At eto narin ang huling beses na luluha ako ng dahil sayo,
Dahil mahal, pagod na ako.
Pagod na akong ipagpatuloy pa ang kung ano mang meron tayo,
Pagod narin akong ipaglaban ka dahil, alam kong ako'y talo.

Gusto ko ng harapin ang reyalidad na ayaw mo na.
Ang reyalidad na, masaya ka na sa iba.
Ang reyalidad na, sumuko ka na.
Ang reyalidad na, wala ka na,
At ang reyalidad na hindi mo na ako kayang ipaglaban pa.

Para san pa nga ba ang paglaban ko?
Masasayang lang naman to, dahil siya at siya ang pipiliin mo.
Pagod na akong ipaglaban ka hindi dahil sa ayoko na sayo,
Hindi dahil nakahanap na ako ng hihigit sayo,
Ngunit dahil sa lahat ng labang ginawa ko,
Mag isa lamang akong pinipilit mabuo ang nasirang tayo.

Uulitin ko ulit ang mga katagang isinulat ko,
Eto na ang huling tulang isusulat ko para sa'yo.
Kasabay nito ang pagpapalaya ko sayo,
Dahil sa tingin ko ito ang makakabuti sa akin at sayo,
Na kahit masakit kailangan kong gawin 'to.
Kailangan kong gawin kahit mawala ka sa piling ko.

Bago ko tapusin ang tulang ito,
May isang kataga akong iiwan sa'yo.
Mahal kita, pero kailangan ko ng isuko ang laban na ito.
Maging masaya ka sana kahit wala ako, magiging masaya rin ako para sayo. Mahal paalam, dito natatapos ang huling tula ko para sayo.

A/N: Maraming maraming salamat sa lahat ng nagbabasa ng aking mga tulang isinusulat! Patuloy akong magsusulat, sanay patuloy niyo rin akong suportahan, salamat!

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon