Yung akala mo dahil ikaw yung palaging nandiyan, ikaw na rin yung pipiliin. Hindi, dahil pansamantalang panakip butas ka lang.
❝Pansamantala❞
Naranasan niyo na bang maging pansamantala?
'Di ko alam na ganon na lamang ang sakit.
Dahil minahal kalang niya saglit para mawala yung sakit.
At para siyang bula na biglang nawala, nang mawala na ang sakit.Pansamantalang sandalan, na kapag ika'y may problema ako ang takbuhan.
Pansamantalang panyo, sa t'wing ika'y umiiyak nandiyan ako para punasan mga luhang sa pagpatak ay naguunahan.
Pansamantalang payong, nasa bawat pagpatak ng ulan nandiyan ako para ika'y protektahan.
Pansamantalang mahal, pero sa huli ako rin ang maiiwan.Naniwala ako sa mga kasinungalingan.
Naniwala ako na sa lahat ng problema ikaw ang aking sandalan.
Naniwala ako na tayo lang at 'di mo'ko iiwan.
Ang tanga tanga ko para maniwala sa mga ilusyon lamang.Ako naman yung nandiyan palagi para sayo diba?
Pero bakit para sayo, siya parin ang mas mahalaga?
Ang mas karapat dapat bigyan ng importansya.
Ang mas karapat dapat mong makasama,
Ako yung nandiyan, pero mas pinili mo siya.Nakakapagod na.
Ang sakit sakit na--
'Yung palagi kang nandiyan pero lahat ng iyon ay balewala lang pala.
Sana napasaya kita, kahit na alam kong habang masaya ka ang iniisip mo'y siya.
At sana maging masaya kana--
Sa piling niya.