Minsan ako'y napapaisip kung ako'y mamahalin mo,
At lalo na't nararamdaman ko sayo'y labis na totoo.
Higit pa nga ito sa iniisip mo.
Ano man ang mangyari masasabing 'di ako susuko.
Lalo na't nalaman ang kahulugan ng pag-ibig sa ngalan mo.
Kahit gumuho ang mundo, masira man ang daigdig,Ipinapangako sayo ako'y mananatili.
Tignang maigi unang letra ng mga taludtod
At nang makita ang mensahe nitong pusong iyong pinatibok.
Nanginginig, nangangamba
Na baka ikaw sakali'y mawawala
Nakatulala, walang imik
Ang damdami'y napupuno ng tinik
Kasi parati nalang talagaNa kailangan kong sumuko kasi mahal ka niya
Oo, inaamin ko, hindi ko nasasabi sa'yo
Sapagkat alam ko na rito naman ito lahat tutungo .
ilang buwan na ang lumipas, ngunit damdamin ko sayo'y di pa kumukupas.
ikaw pa rin pala talaga ang gusto ng puso kong tanga.
kahit ano pang sukat ng sakit na sa buhay ko ay sasapit,
ito ay aking titiisin; kahit hindi mo pa mapansin.
alam kong hindi ko na ito mababago, kaya ang damdamin ko nalang ay aking itatago;
kung sa iyo parin ay nahuhumaling, tungkol diyan ay hindi na ako magsisinungaling.
kahit na ako'y iyong pinaasa at sayo'y walang natamasa,
ㅡ kagustuhan ko sa iyo ay kailanma'y hindi magbabago.
BINABASA MO ANG
Pag - Ibig Poems and Quotes
PoetryKeep Calm and Fix a Broke Heart. Isang tula na babago sa buhay mo at tyak na marami kang matututunan na lesson from this poetry. Basahin at unawain . Or you can apply this lesson to your self. Para sa mga pusong nagmamahal,nagmahal,nasaktan, at iniw...