Malabong Usapan

25 1 0
                                    


  Ako'y nahulog sa matatamis na salita Hindi ko alam kung ako'y maniniwala 

  Walang kasiguradohan kung san ba ito patungo  Ngunit kailangan kong panindigan sapagkat ikay minahal ko 

  Sa araw araw na pagpupuyatan nating dalawa  malabong hindi mo ako magustuhan,diba? 

  Sinabi mo pa nga na masaya kang kausap ako  Kaya ako naman itong walang alam,nagpauto. 

  Ilang buwan ang lumipas,ayos naman tayo.  Ngunit hindi ko naman pala pansin na ika'y unti unting nawawala sa akin 

  Wala akong alam kung bakit humantong sa ganito  Yung masayang usapan naging malabong ugnayan. 

  Nalaman ko nalang na iba na pala ang pinag kakaabalahan mo ngayon  Yung dating ako lang yung nagpapasaya sayo,ngayon iba na 

  Kaibigan,pinapalaya kita,hindi sa naging duwag ako kundi dahil minahal na kita  Mahal na kita samantalang yung matalik na kaibigan ko ang minahal mo. 

  Mahirap ikalimot  mahirap tigilin , mahirap pigilin ang pagiging hangal 

  ang taong tulad mo  ay ang dahilan ng paghila ko sa tali ng pag-asa 

  subalit ako lamang  ang dakilang tagahila

  sa sobrang kapal    ako'y nakabitaw 

unti-unting dumidilim gabing walang mga bituin. 

  iyong mata'y walang kislap,  isip ay nasa alapaap.

  kung sakali mang ayaw mo na  at 'di ako'ng para sa'yo, 

  wala akong magagawa  kung tadhana na ang sumusuko.

  kung sakali mang pagod ka na  at 'di na 'ko ang 'yong lunas,

  patawad aking sinta,  ayoko man pero pwede na...

  pwede ka ng umalis  kung 'yun talaga'ng 'yong nais. 

  pero bago ka lumisan  mayro'n akong kahilingan...

  'wag mo sanang iwanan ang lahat.  'wag sanang kalimutan ang mga alaala nating masaya. 

  'wag mo sana akong kamuhian  dahil sa'king mga pagkukulang. 'di man kayang ibigay ang kalawakan 

  buong-buong inalay sa'yo ang buwan.  'wag mo sanang bitawan. 



Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon