First Time

11 1 0
                                    


 Nong una, hindi pa tayo magkakilala. Naging classmate kita ngunit hindi pa masyadong maalala.

Hindi pa magkaibigan at  wala pang ugnayan . Pero nong makilala kita, halatado ang iyong hiya.

Aaminin ko masama noon yung ugali ko at nahalata ko na ayaw mo akong lumapit sayo

Wala akong pake sa gagawin ko bastat masabi lang ang nararamdaman ko. GANON kasama ang manners ko kaya wala saakin nagkakagusto.

Walang lumalapit sakin na tila ba diring diri sa pag uugali ko. Medyo jejemon at akala mo prat na siga masyado.

BULLY pa nga sa ating mga kaklase na tila nanglalait kasama ang salitang mapapait.

Hindi pa kasi gusto noon kaya wala akong pake kahit na ang ginagawa ko ay male. Mura pa nga ako ng mura at nagsasalita ng masasama kaya nahiya ako dahil babae ako tapos ganito ang ugali ko.

Hindi ko talaga mapigilan ang aking nararamdaman, Ewan ko rin kung bakit ito ang lumalabas sa bibig ko , ang masasamang salita na naririnig mo.

Yung babaeng akala mo maganda yun pala masama yung panloob nya... 



Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon