Maaari ka bang tanungin?

40 1 0
                                    


 Kasalanan bang umibig, nang walang hangganan?

Hindi nagpipigil,laging handang lumaban?  

 Kasalanan bang umibig,  kahit batid na masasaktan? 

  Paulit-ulit mang matalo,  lalaban hanggang sukdulan? 

  Kasalanan bang umibig , at bigyan ka ng mga tula, 

  Tingin mo'y nakakakilig ,  kahit ang mga mata mo'y 'di ko pa nakikita 

  kasalanan bang umibig,  kapag ikaw ang nagpapangiti sa bibig, 

  Nakulayan ang bawat pintig, ng pusong naghahanap ng hilig?

  kasalanan bang ang hilig  , ay ikaw na tamang-tama? 

  Boses mo'y nakakanginig,  kahit hindi ko pa naririnig.

  kasalanan bang ang hilig  , ay makita ka nang harapan? 

  Upang hindi lang sa panaginip  na ako'y nasasaktan. 

alam kong napakabata ko pa  upang ibigin ka ng sobra

  ang taong akala ko'y kaibigan ko lang,  na kahit kailan ay 'di ako binigyan ng daing.

labis na ligaya ang natamo ko galing sakanya. 

  lahat ng maliligaya kong araw,  ala-ala namin ang nakasaklaw. 

  subalit ito'y kailangan kong itigil,  nang pati ang sarili ko'y aking natatakwil; 

  lalo na't ngayon ay aking napagtanto,  na ako lang pala ang nakadama ng ganito. 



Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon