Paumanhin

17 1 0
                                    


  Noong araw na umamin ka  Pikit matang sinabing, gusto kita 

  Meron akong biglang nadama  Dapat nga bang ipakita? 

  Habang nakikinig sa iyong tinig  May pagaalinlangang nadinig 

  Tama nga bang makinig  Sa nilalaman ng aking dibdib? 

  Binigyang pagkakataon  Sinubok natin ang kahapon 

  Ngunit bakit ganoon  Di ko na alam ngayon 

  Takot akong aminin sa sarili  Na baka ako'y nagkamali 

  Pero mas takot akong aminin  Na baka ako'y nakasakit 

  Gusto kitang palayain  Dahil di kita kayang yakapin 

  Bigyang paumanhin  Hindi nais ika'y paasahin 

  sobrang ginaw ba ng paligid  at pati puso mo'y nanlamig? 

  niyakap kita ng mahigpit, ngunit  mas nanginig nang ako'y lumapit. 

  sabi mo'y kailangan mo ng oras,  espasyo na saki'y malayo.

  ang nais mo'y makapag-isip,  bakit ko naman ipagkakait? 

 binigay ko lahat ng gusto mo pero ngayon ako ang talo.  

  ang panahong hiningi para init ay manumbalik 

  ay ang s'yang naging mitsa  upang damdami'y tuluyang mawaglit. 

  sobrang lamig na ng paligid  at ang tanging lunas ay ang iyong halik. 

  pakiusap mahal, ika'y magbalik.  



Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon