Ang ganda ng mga bituin ngayon at ang liwanag ng buwan. Ang sarap rin ng simoy ng hangin ngayong gabing ito. Ganito ako madalas kapag gusto kong magisip at magrelax. Lalabas ng bahay para maglakad lakad, maghahanap ng pwesto para tumingala at pagmasdan ang madilim na langit. Blangkong tinitignan ang bawat bituin na makikita.
"Kamusta na kaya siya? Naiisip rin kaya niya ko gaya ng pagiisip ko sakanya?" Unting unti kong nararamdaman ang pamamasa ng pareho kong mata.
"Namimiss rin kaya niya ko? Kasi ako, oo miss na miss ko na siya". At hindi ko namalayang pumatak na naman ang luha sa mga mata ko.
"Heto na naman ako iniiyakan ka na naman. Kailan ba kita makakalimutan?" Ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Bakit ba kasi kailangan ka pang dumating sa buhay ko? Bakit mo ba kailangang guluhin ang puso ko?" Habang Pinipilit pa rin pigilin ang sarili sa pagiyak.
"Tama na! Tama na Happiee! Huwag mo na siyang iyakan. Bakit ba pinapaasa mo pa rin ang sarili mo? Bakit ba iniisip mo pa rin siya? Kahit kailan hindi ka niya minahal. Tama! Kahit kailan hindi ka niya minahal. Kaya tama na Happiee. Tumahan ka na at kailanman huwag mo na siyang iiyakan". Kinakalma ang sariling sambit ko habang pinupunasan pa rin ng pinupunasan ang mga mata sa walang tigil na pagbuhos ng mga luha nito.
May mga kirot pa rin sa twing maaalala ko siya. Masakit pa rin sa twing naiisip ko siya. Pero hindi pwedeng lagi nalang ganito. Hindi pwedeng lagi nalang akong iiyak ng dahil sakanya. Hindi pwedeng ganito nalang ako, kailangan kong mabuhay. Kailangan kong magpatuloy. Magpatuloy ng wala siya. Magpatuloy ng hindi siya kasama. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong muling ayusin ang sarili ko. Malungkot man na hindi na tayo. Muling tumulo ang luhang kanina ko pa pilit pinipigilang tumulo.
"Simula ngayon hindi na kita iisipin. Simula ngayon susubukan ko ng kalimutan ka. Simula ngayon susubukan ko na ulit maging masaya. Sayang naman ang pangalan kong Happiee kung hindi naman ako (happy). Simula ngayon ibabaon ko na sa limot ang lahat ng nararamdaman ko para sayo". Tila pinapalakas ang sariling tumayo at sa huling pagkakataon ay pinunasan ko ang huling patak ng luha galing sa aking mga mata at saka inayos ang sarili at muling umuwi ng bahay.
Ako nga pala si Happiee. 16 years old. Hindi maganda at hindi rin sexy. Buhaghag ang buhok at may makakapal na salamin. Matalino at masipag. Sabi nila nanay at tatay kaya daw Happiee ang pangalan ko kasi sobrang saya raw nila nung dumating ako. Matagal raw kasi nila akong hinintay at hiniling kay Papa Jesus.
Solong anak ako ng mga magulang ko. Hindi kami mayaman. Meron kaming maliit na sari-sari store malapit lang sa bahay namin at dun lang kami kumikita. " Ligaya! Anak! Gising na! Kailangan na nating umalis at magbubukas pa tayo ng tindahan". Paggising sakin ni nanay. Bakasyon ngayon At tuwing bakasyon ay sumasama ako kila nanay para magtinda. Madalas rin ay ako ang bantay sa tindahan.
"Nay naman. Ang ganda ng pangalan ko Happiee tapos tatagalugin niyo lang. hehe opo, babangon na po. Good morning nay!". Bati ko naman sakanya saka bumangon para maligo. "Huhuhu! Bakit ba kasi hindi ko man lang namana ang ganda ni nanay. Ang pangit ko!". Sabay turo sa salamin habang kinakausap ang sarili. Makakapal na kilay. Sabog na buhok. Singkit ngunit bilugan na mga mata. May braces sa ngipin pero may dimples naman. Baduy manamit. Mahilig magbasa. Aaah! Basta tama na nga. "Dibale, cute naman daw ako sabi ni tatay hehe!". At lumabas na ako ng banyo at hinablot ang love story na librong binasa ko.
Nagmamadali akong bumaba dahil nauna na sila nanay. Patakbo akong lumabas ng gate para maabutan sila nanay ng biglang....
(Blaaaag) "Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sabi nung nakabangga ko. "Sorry po kuya. May hinahabol po kasi ako" paghihinging paumanhing sabi ko sabay pilit inaaninag ang lalaking nasa harapan ko.
"Ang sabihin mo eengot engot kang babae ka! Natapon tuloy tong chuckie ko sa tshirt ko. Alam mo bang mahal tong damit ko na to at sa tingin ko hindi mo to kayang bayaran". Ang sungit naman neto, akala mo kung sino. If I know pangit ka kaya ganyan ang ugali mo saka chuckie? Sa laki ng boses mo nasisigurado akong hindi nagkakalayo ang edad natin. Ang tanda na chuckie pa din ang iniinom. Tsk! Abnoy ata to! At Siguro bakla to.
"Ah. Pasensya na po talaga kuya. Hindi ko po sinasadya" habang nakaluhod na kinakapa kung nasaan ang salamin ko.
"Hoy! Manang palitan mo tong tshirt ko! Tignan mo at kinupusan mo! Alam mo bang bago lang to?" Tsss. Ang yabang. Pangit naman. At nahanap ko ang salamin ko saka ko to isinuot.
"Sige kuya magkano po ba yang tshirt mo?" Teka nasaan si kuya. Nasaan na yung kausap ko. nandito lang yun kanina ah. Yuhoo kuya! Nasaan naman kaya sumuot yun. habang kakamot kamot sa ulo ko. "Manang nandito ako sa likod mo! Hindi ka lang pala engot,tatanga tanga ka pa pala"
Aba at nagpintig ang tenga ko't humarap sakanya sabay duro "hoy! Kuyang panget na mahilig sa chuckie anong tatanga tang..." okay di naman pala siya pangit. ay! Susko! Hindi pala panget. Pogi pala. Ang pogi pala ni kuya.
Matangos ang ilong. Maputi. Mamula mula ang labi. Matangkad. Maganda ang katawan at mukang mabango. Kikiligin na sana ako pero masama lang ang ugali. Tss. Makatanga akala mo kung sinong prinsipeng ubod sa kagwapuhan baka yung frog. Baka yung frog prince pwede pa bwuahahahaha! Pero oo aaminin kong gwapo talaga siya. Ang haba rin pala ng pilikmata niya at ang lakas ng dating niya.
"Hello! Hello manang" sigaw niya sabay pitik sa noo ko. At dun ko lang namalayan na napatitig pala ako sa gwapo niyang mukha. "Ano ba! Bat ba nananakit ka?".
"Wala ka kasi sa hulog manang! So ano na? Palitan mo na tong tshirt ko dahil may lakad pa ako!" Sigaw na naman niya. "Magkano ba yang tshirt mo ng matapos na yang pinaghihimutok ng butsi mo?!" Pagtataray ko. Aba! Hindi ako papatalo dito sa mokong na to kahit pogi pa siya. "Oh! Eto 350 bumili ka ng bagong tshirt mo. Ayan at wala na akong atraso sayo! Sige na at aalis na ko. Bye kuya!" Sabay kaway sakanya.
Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinarap sakanya pero teka bakit ganito? Bakit ganito ang puso ko? ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas ng kabog.
Bakit parang nagsslowmo si kuya. Ano ba talaga to? Ano bang ginagawa neto ni kuya. Bakit ganito. napahawak ako sa dibdib ko dahil Para akong mapapaluhod sa lakas ng kabog.
"Hoy! Manang anong 350 baka limang libo tong halaga ng lacoste shirt ko!" Pagyayabang niya na pinanglakihan ng mata ko at pagangat ng ulo ko "Limang libo? As in five thousand???" Sobrang nagulat ako. Halagang limang libo na yung simpleng puting shirt niya na may disenyong buwaya na tag sa gilid???
"Di nga kuya? Seryoso?" Ngumisi siya. Susme! Ang pogi niya talaga. "Tatanga tanga talaga" umiiling na pabulong na sabi niya. "Sabi ng hindi ako tanga! Ang yabang yabang mo! eh ang pangit mo naman!" Sigaw ko.
"Akina nga yang damit mo at lalabhan ko nalang". Pagtataas ng kilay ko.
"tsk! Kung makapaginarte ka dyan akala mo namang ang ganda mo! Hoy! Manang na Betty! Para sabihin ko sayo hindi ka maganda kaya wag kang magmaganda at kung makapagsungit ka dyan akala mo naman ay may pangbayad ka eh mukha ka namang dukha! Oh! Ayan sayo na yan! Amuy amoyin mo para maalala mo ang kagwapuhan ko! Hahahah!" Pabato niyang binigay sakin ang damit niya at hindi na nagsalita pa saka umalis sa harap ko.
"Anak ng... akala mo ubod ng gwapo! Masyadong gwapong gwapo sa sarili" inis na sigaw ko pero mukhang hindi niya narinig dahil patuloy lang siya sa paglalakad. At may sando pala ang loko! Ang dami pang sinabi. Tinignan ko ang damit na hawak ko at inamoy. Ang bango. Amoy gwapo.
"Sayang gwapo ka pa naman. Kaso masyadong pangit ang ugali mo" bulong ko sa sarili at inilagay sa bag ang damit na hawak at muling tumakbo para makarating sa tindahan.
--- first story ko po to. 🤗
salamat po sa pagttyagang basahin ❤️
Comment lang po kayo. God bless! ☺️
BINABASA MO ANG
Here in my heart
Teen FictionA love story Ulan at ligaya Posible nga bang main love ang magkaaway?