Tsk. "BASTARD!!!"Siya na naman.
Ang saya na sana ng araw ko pero sa bandang huli minalas pa rin ako. Kamalas-malasang nakita ko na naman yung lalaking yun. Di lang pala siya masungit, ang kapal rin pala ng pagmumukha niya. Masyadong feeling gwapo. Ang presko! Gwapong- gwapo sa sarili. Sinayang lang niya ang kagwapuhan niya. Okay na sana eh. Ang panget lang ng ugali.
Eeer! NAKAKAINIS TALAGA!
Huhuhuhu! Wala na yung libro. Sold out na! Huhuhu! DEIB LHOR!
Nakakayamot huhuhu! 😩😩😩
Bagsak ang balikat ko at laylay ang katawan kong hinanap sila Ayel at Nikko.
Malungkot talaga ako...
Ayel's POV
Kasama ko ngayon si Nikko.
Katabi ko siya.
Nandito na ulit siya.
Nandito na ulit ang unang lalaking nagpalakas ng kabog ng dibdib ko.
Ang unang taong minahal ko.
Pakiramdam ko bumabalik na naman pautnti - unti ang nararamdaman ko para sa kanya na noo'y pilit kong nilalabanan.
Oo, may nararamdaman ako para sakanya, para kay Nikko, para sa bestfriend ko.
Yung nararamdaman ko noon na nawala dahil pilit kong kinalimutan.
Ngayon..
Parang may nagbago.
Nagbago na siya....
Nung umalis siya papuntang Amerika, pakiramdam ko ako na yata ang pinakamalungkot na tao nung mga panahong wala siya sa tabi ko.
Nakalulungkot...
Nakakapanghinayang...
Nakakapanghinayang na hindi ko man lang nasabi o naamin sakanya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya bago man lang siya nakaalis.
Naaalala ko noon..
Nung mga panahong nasa Amerika siya ay panay naman ang video chat namin nila Happiee,ako at Nikko. Para kahit malayo man kami sa isa't isa ay updated kaming lahat sa mga nangyayari sa amin.
Malayo pero parang malapit na rin. Laging magkakausap, laging nagaasaran at laging may communication.
Pero isang araw nagulat kami ni Bes ng may nagpost sa facebook wall ni Nikko. May kasama siyang babae. Hindi lang yun after 2 months may iba na naman siyang kasama.
At meron na namang iba.
At may ibang mga sumunod pa...
Magaganda ang mga babaeng mga nakakasama niya. Ang iba nakayakap pa sa kanya at meron pang nakahalik sa pisngi niya.
Ang sakit...
Napakasakit...
Nung nakita ko yun hindi mawala ang mga mata ko sa screen ng laptop ko. Parang ayaw kong maniwala. Hindi siya ganon. Hindi ako naniniwala.
Hindi magagawa ni Nikko yun.
He's not a player.
He's not a womanizer.
Hindi.
Pero....
Bakit siya nagkaganon? Ganon ba talaga pagna sa Amerika ka na? Nahahawa ka na rin sa pagiging liberated nila? Nagiging babaero at mahilig sa babae?
BINABASA MO ANG
Here in my heart
Teen FictionA love story Ulan at ligaya Posible nga bang main love ang magkaaway?