Chapter 4

52 1 0
                                    




Papasok na ako sa gate ng school namin ngayon.

"Happiee!" pagsabay niya sa akin sa paglalakad.

"Ryan"

"Kamusta bakasyon mo? Namiss kita!" sabay ngiti.

"Wala namang bago. Bantay lang sa sari-sari store as usual hehe" ang totoo lagi ko naman siyang nakikita kasi lagi siyang bumibili sa tindahan namin halos araw-araw lalo na pagako ang bantay lagi niya akong nginingitian at kinakamusta kaya nagtataka pa ako kung bakit nagtatanong pa siya sakin eh alam naman niya at lagi naman niya akong nakikita.

Gwapo si Ryan, captain siya ng basketball team namin sa school. Mabait siya lalo na sakin. Iba siya. Lagi niya akong binabati at kinakausap. Actually medyo crush ko siya, medyo lang naman. Hindi naman yung tipong hangang- hanga ako sakanya pero kasi ang bait niya sakin at yun yung isang nagustuhan ko sakanya. Ang daming admirers at fans ni Ryan dahil sa gwapo siya,matangkad,mabait,hindi suplado at isa pa maputi rin siya. At dahil medyo kahawig nga rin niya si Enchong Dee. Kung si Enchong ay magaling sa swimming masasabi kong isa sa pambato ng school namin si Ryan sa basketball. Minsan nagtataka ako kung bakit niya ako laging kinakausap, eh sino ba naman ako? Isa lang naman akong manang. Sabihin na nating mala- Betty La Fea nga ako. Weird,boring at lalong hindi maganda. I am a nobody.

Bilang lang ang mga taong kumakausap sa akin sa school dahil halos lahat sila ay binubully at inaasar ako. Mabait lang talaga sakin si Ryan dahil ipinagtatanggol rin niya ako. Minsan nga nung binuhisan ako ng isang bully naming kaklase ng juice habang nasa canteen ako. Sobrang lagkit at sobrang basang basa ako pero wala akong magawa dahil kung lalaban pa ako baka humaba lang ang diskusyunan pero sa totoo lang gustong gusto ko ng umiyak. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan nila akong ganituhin. Ni hindi ko naman sila inaano. Nanahimik lang ako. Kasalanan ko ba kung hindi ako maganda. Kasalanan ko ba na ganito lang ako. Kung alam ko lang sana na mamimigay ang Diyos ng kagandahan sa langit ay ako na ang nangunang saluhin iyon pero anong magagawa ko? Ganito lang ako.

Tinulak ni Ryan yung lalaking nambuhos sakin ng juice at pinagsabihan niya iyon tapos lumapit siya sakin at pinunasan ang ulo at mukha ko. Napatitig lang ako sakanya habang ginagawa niya iyon sakin. Napangiti ako. Ang bait niya talaga. Salamat Ryan. Salamat sayo.

Hinubad niya ang tshirt na suot niya at ibinigay niya yon sa akin. Hay! Ang hot niya. Ang macho at ang gwapo, feeling ko naman ako ang pinakamapulang tao nun dahil sa ginawa niya.

"Namumula ka. Hahaha! Balik mo nalang sakin yan" sabay alis niya.

Kinikilig ako pagnaaalala ko yun. Oo nga pala...

"Ah oo nga pala Ryan, hindi ko pa naibabalik yung tshirt mo. Sa pasukan ko nalang ibabalik ha? Okay lang ba? Hindi ko kasi dala ngayon"

Yumuko siya para maging magkalevel kami. "Anytime basta ikaw Happiee" habang kurot- kurot niya ang pisngi ko. Pakiramdam ko ang init ng mga tenga ko pataas sa mukha ko. Ano ba Ryan? Bakit ka ba ganyan sakin?.

"Ang ganda mo pala pagganito kalapit" isang inch ang espasyo ng mukha niya sa mukha ko na halos ikaduling ko.

Ngumiti siya. Ang gwapo! Ano ba?!!!! Napaiwas ako ng tingin sa hiya.

"Haha! Namumula ka na naman" turo pa niya sa mukha ko. Pagtawanan ba ko? Napayuko naman ako.

"Ali!"

"Nikko!"

"Ahm. Ryan si Nikko nga pala kababata ko. Dito na din siya magaaral"

"Ryan, pare"

"Nikko" abot naman ni Nikko sa kamay ni Ryan.

"Nikko welcome sa St. Mary's School. Kung maisipan mo lang, pwede ka magtry out sa basketball team namin kung gusto mo"

"Sige pare pagiisipan ko yan, salamat"

"Ryan!" pagtawag ni John kay Ryan.

"Kanina pa kita hinahanap. Kaya naman pala kasama mo naman pala si Happiee" sulyap niya sakin.

"Hi Happiee!" baling niya sakin ng nakangisi.

Anong kaya pala dahil kasama ako ni Ryan. Nakangisi pa tong mokong na to sakin at papalit palit ang tingin niya samin ni Ryan. Nakakaloko. Mukha siyang clown.

"Hello John!" walang ganang bati ko. Ang weird niya kasi.

Siniko naman siya ni Ryan, "ah Happiee sige una na kami ni John" tapik niya ako sa balikat ko at may ibinulong  "Ang cute mo ngayon" nanindig ang mga balahibo ko sa lapit ng pagkakabulong niya. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa tenga ko.

Feeling ko naliligo ako sa sarili kong mga pawis. Ang lapit niya masyado sakin. Huwag ka ng lalapit pa masyado please. Baka himatayin na ako. Huhuhu (-.-)

"Babye!" paalam niya.

Wait! Pinagpapawisan talaga ako. Huhuhu! Ano ba Ryan?! (x.x)

"Ali ah?! Sino yung kausap mo?"

"Geez! Bes! Totoo ba ang nakita ko? Is that Ryan? As in Ryan Fuentes? Captain ng basketball team? Siya yun diba? Diba? Owmygad! Nilapitan at kinausap ka niya! Yiee!"

Tsk. Eto na naman siya. Ang arte talaga. "Oo at wag kang assuming. Kinamusta niya lang ako okay?!"

"Goodness bes! Iba ka! Ikaw na talaga!"

"Hindi nga kasi ganon yun!" Tss...

"Haba ng hair bes! Ang ganda mo masyado hihihi"

"Ay! Ewan ko sainyong dalawa. Dyan na nga kayo!"

"Ali!"

"Bes!"

Riiing! Riiiiing!

"Oh? Hello? Nasaan ka na?" sagot ni Nikko sa kausap niya.

"Aaah ganon ba? Osige magiingat ka" at ibinaba na niya ang cellphone niya.

"Sino yun loverboy? Bago mong chick? tanong agad ni Ayel. Aba! Selosa si ate girl. Hahahah

"Ang aga aga selos ka kaagad" iling ni Nikko habang nakangisi. If I know kinikilig kang damulag ka. Hahah

"Pinsan ko yun. Nauna na siyang nagenrol satin. Pauwi na daw siya"

"Weh? If I know babae mo yun!" irap naman ni Ayel.

"Oo nga pinsan ko nga kasi talaga yun. Gusto mo ba tawagan ko siya ngayon
at ipakausap ko pa sayo?"

"Hindi na. Naniniwala na akong pinsan mo yun kahit kunwari lang haha!" sabay dila at layas ng gaga habang magkakrus ang braso.

Nakakatawa talaga sila. Pang magjowang aso't pusa. Ang cute talaga nila. Magkatuluyan sana tong dalawang to. (^^,)

Here in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon