NOTE: Naedit ko na po yung chapter 1. Pasensya na po kayo 1st time ko lang magsulat. Thanks in advance. ❤️❤️❤️
"Kabwisit bwisitan! Nakakinis talaga yung damulag na mukhang chuckie na yun!" Asik ko habang parating sa tindahan. "Oh! Happiee anak bat ngayon ka lang? Ang lapit lang ng tindahan natin sa bahay ah?" Sabi ni tatay.
"Eh kasi po tay meron po akong nakasalubong na palaka... este.. lalaki po. nakabangga ko po siya kanina ang sungit nga tay eh". Sagot ko kay tatay." eh ano pogi ba? Papabol ba? Yummy ba? Ano bes?!" Hay! Bakit ba ako nagkabespren na malandi pa ata sa bading kung umusta. Na akala mo laging mauubusan ng lalaki sa mundo. Kundi ko lang to bespren ng pitong taon baka nasakal ko na to. Pasulpot sulpot pa na parang kabute. (~.~)
"Ano bespren? Ano? Pogi ba? Pogi ba?". Kahit kailan napakaingay talaga. "Hindi! Hindi siya gwapo pero mukha siyang prince". (X.X)
"Owmaygad! Hindi nga bes? Ganon siya kagwapo? Owmaygad! As in owmaygad!" Pagiinarte pa niya. "Oo, ganon siya kagwapo mukha siyang prince. FROG PRINCE Na mahilig sa chuckie. Wahahahaha!". (^_^)"Tsk! Kayo talagang mga bata kayo oh oh. Kay babata niyo pa." Andyan pa pala si tatay. "Tay, eto kasing si Yel eh! Nangungulit na naman." Sagot ko habang papasok sa loob ng tindahan. Makapagcheck na nga lang ng stocks. Bayaan na nga yang si Yel diyan. Mukhang nagdaday dreaming na naman ng prince charming niya.
Bata palang kami ni Yel ay magbestfriend na kami. Nagkakilala kami nung grade 3 kami. Ako,isang tahimik na estudyante na wala man lang ni isang kaibigan dahil gusto ko ang laging nagiisa. Loner ba. Ganon. Si Yel naman ay isa sa mga napakaingay na kaklase ko. Lagi nga siyang nasusulat sa noisy noon. Isang araw habang nasa classroom ay bigla nalang siyang tumabi sa akin at tinitigan ako. Sa gulat ko at pagtataka ay napatingin na rin ako sakanya at nagtama ang paningin namin ng bigla siyang... UMOTOT... Napatakip ako sa ilong ko habang nakakunot ang noong tumingin sakanya at ganon rin siya at sabay kaming natawa ng malakas dahil na rin sa baho ng utot niya. Mula non ay lagi na kaming magkasama at nagkukulitan.
Mabait si Yel. May pagkaloka loka nga lang. Lagi siyang nandyan para sakin lalo na pagbinubully ako ng mga kaklase namin. Madalas akong asarin noon na manang,pangit,aswang at kung anu ano pa pero si Yel, siya lang ang tanging nagiisang tagapagtanggol ko. Noong minsan nga ay naguidance pa siya nung sinapak niya ang isa sa mga kaklase naming nambubully sa akin lagi, kaya naman sinamahan at tinulungan ko siyang maglinis ng buong 2nd year classrooms bilang parusa sakanya. Masasabi kong isa ring tunay na kaibigan si Yel dahil hindi namin hinahayaan na masaktan ang isa't isa. Magkakampi sa lahat ng oras at magkasundo sa lahat ng bagay.
Habang nagchecheck ng stocks, may tumabi at dumantay sakin. "Bes! May hindi ka sinasabi sakin. Sino tong boylet mo? At sakin ka pa talaga naglilihim ah? Hmp!" ngumuso naman siya. "Ano bang sinasabi mo bes? Wala akong boylet. Nakabangga ko lang yun pwede ba?" pagtataray ko. "At saka isa pa hindi ko naman kilala yung taong yun. Ang yabang yabang kamo niya. Tsk!". pagpapatuloy ko. "Osiya! Naniniwala na ako sayo bes hehe! Pero maiba tayo, urgh! Bes magffourth year na tayo sa pasukan. Last year na natin to sa highschool. Sana maging memorable tong taon na to satin. Yieee! Bes gusto ko ng magkaboyfriend! Hihihi". Ako ---> (-.-)
Paaaak! "Aray ko naman bes! Namamatok ka naman bigla sana ininform mo man lang ako". pagmamaktol niya habang hawak hawak ang batok. "Eh kung ipasok ko sa butas ng ilong mo tong ballpen na hawak ko?! Kung anu ano yang pinagsasasabi mo dyan. Yan! Yan ang napapala mo kakapanuod ng love stories at kakabasa ng pocket books". panenermon ko. "Ay teh! Amnesia? Baka nakakalimutan mong nagbabasa ka din ng love stories. Diba nagpasama ka pa nga sakin bumili ng He's into her na libro? Kalimutan agad agad? Makapanermon akala mo eh siya hindi" bulong niya. Shete! Oo nga pala. Yung libro ko. Nasaan na ba yun. Kailangan ko na ulit magbasa andun na ako nahinto sa nagi love you na si taguro kay baklang deib lhor eh. Yieeee! Kinikilig ako. Asaan na ba yun? Huhuhu! Asaan na yun. (T.T)
Hinalungkat ko ang bag ko at inalabas ang lahat ng laman nun. Huhuhu! Bakit wala. Nasaan na ba yun? Dala ko lang yun eh. Nakita ko ulit ang shirt nung lalaking damulag. Pinagmasdan ko yun. "Gwapo na sana masungit lang" bulong ko sa sarili ko. Naaalala ko na naman ang itsura niya. Sa kagwapuhan niya mukha nga talaga siyang mayaman. Sa bango palang halatang angat na sa buhay. Napakabango talaga niya na sa tingin ko kahit di siya maligo ng isang linggo mabango pa din siya. Ang kinis ng mukha niya at ang tangos talaga ng ilong niya. Nagpapafacial kaya siya? At yung pilik mata niya ang haba haba parang pangbabae. Kahit pa sinisigawan niya ko hindi ko mapigilang titigan siya. "Hay! Ano ba tong iniisip ko! Hindi. Hindi. Erase! Erase! Erase! Hindi siya gwapo! Mayabang siya! Mayabang na palaka! Akala mo kung sinong umasta! Tsk! At etong shirt niya limang libo to? Sino ba namang magsusuot ng ganito kamahal? Mayabang talaga!" Teka ano to? "R J" may initials na RJ ang laylayan ng shirt niya. Ano kayang pangalan niya?.
RJ...
Sorry maiksi lang po
v^^,

BINABASA MO ANG
Here in my heart
Ficțiune adolescențiA love story Ulan at ligaya Posible nga bang main love ang magkaaway?