"Anak!... Happiee, Ayel! Tara na't kumain" yaya ni nanay at sumunod naman kami sa lamesa para sabay sabay kumain. "Malapit na ang pasukan ninyo. Graduating na kayo mga anak. Happiee, gusto mo bang bumili tayo ng bagong sapatos mo at isang bagong pares ng uniporme?".
"Tay wag na po. Okay pa naman po ang sapatos at mga uniporme ko saka isa pa huling taon ko na naman po sa highschool"
"Osya ikaw ang bahala basta kung may kailangan ka anak sabihin mo lang kay tatay ha?"
"Opo tatay. Tay pagpo pasukan sabado't linggo po tutulong po ako sainyo ni nanay magbantay ng tindahan".
"Anak,hindi mo na kami kailangan tulungan sa pasukan ang gusto lang namin ng tatay mo ay magaral kang mabuti at magenjoy ka kasi ito na ang huling taon mo sa highschool". Si nanay.
"Magenjoy kayo ni Ayel anak at wag mo na kaming alalahanin ng nanay mo at kaya naman namin dito basta anak alam mo na ang mga bawal ah?" Pagbibilin naman ni tatay.
Ang swerte ko talaga kela nanay at tatay. Napakabait at napakamapagmahal nilang magulang sa akin. Hindi nila ako pinapabayaan at mahal na mahal pa nila ako. Sana nga totoong maging memorable ang huling taon ko sa highschool. Sana makakilala rin ako ng Deib Lhor gaya ni Maxpein yung tatanggapin ako kahit ganito lang ako. Yung mamahalin ako at kayang maghintay kahit anong mangyari. Kaso baka hindi kayanin nito. Sabay hawak sa dibdib ko. Sana kayanin nito..habang hawak pa rin ang dibdib ko. Nasa ganoon akong pagmuni muni ng....
"Hello guuuuuuuyss!!!"
Lingon naming lahat.
"Nikko!!!" sigaw namin ni Ayel sabay yakap sakanya.
"Namiss talaga kita Nikko!"
"I miss you too Ali"
Naalala pa din pala niya ang tawag niya sakin. Siya lang ang tumatawag sakin ng Ali. Alieli kasi ang second name ko.
"At buti naman kilala mo pa kami playboy?!" pagdidiin sa salita ni Yel habang nakapamewang.
Inakbayan siya ni Nikko. "Pwede ko ba namang makalimutan ang mga bestfriend ko? Lalo na yang bibig mo! Hahaha" pangaasar pa nito kay Yel.
"Hoy! Excuse me. I'm a fine young lady now" irap pa niya kay Nikko.
Round 1. Eto na naman po sila. Parang mga aso't pusa. Laging kontra sa isa't isa. Pero si Ayel lang ang tanging nakakapagpatino kay Nikko sa halos lahat ng bagay. Hindi nanalo si Nikko pagsi Ayel na ang magsasalita sakanya.
"Okay fine young lady but can you give me a proper hug first?" pagpupuppy face naman niya rito.
"Hmp! Womanizer!" yakap naman sakanya ni Yel.
Kung ako ang tatanongin bagay silang dalawa. Isang bossy na maingay. Isang womanizer na tahimik but with deadly stares. Pero ang higit sa lahat tiklop sila sa isa't isa hindi palang nila narerealize at nahahalata. They still have no idea kung anong epektong nagagawa nila sa isa't isa.
Si Nikko,nakilala namin siya ni Ayel nung grade 5 kami. Bagong transfer lang siya sa school namin. Walang kakilala kaya naman napapagtripan ng mga kaklase naming walang magawa sa buhay kundi mambully at mantrip. Kinulong lang naman siya sa bakanteng kwarto malapit sa room namin buti nalang ay late dumating ang driver nila Ayel para sunduin siya kaya naman naghintay kami at nagpasyang tumambay muna sa room namin.
BINABASA MO ANG
Here in my heart
JugendliteraturA love story Ulan at ligaya Posible nga bang main love ang magkaaway?