Nahanap ko na silang dalawa.Si Nikko at si Ayel, pero hindi ko muna sila nilapitan. Pinagmasdan ko muna silang dalawa. Pakiramdam ko nanunood ako ng isang koreanovela tungkol sa dalawang taong nagmamahal pero takot subukang mahalin ng tuluyan ang isa't isa. Dalawang tao na takot harapin ang tunay na nararamdaman para sa isa't isa. Si Ayel na tulala at parang nakatingin sa kawalan at halatang malalim ang iniisip. Si Nikko na nakamasid at lihim na pinagmamasdan ang mahal niya mula sa likuran nito. Magkalapit sa isa't isa pero parang malayo pa rin.
Tsk. Nakakalungkot na senaryo.
"Guys!" , walang lumingon ni isa sa kanilang dalawa. Pawang parehong nilalamon ng sarili nilang mga isipan.
"Guuuuuuuyssss!!!!" , tawag ko muli pareho sa kanila at parehong hinawakan ang kanilang mga balikat.
Para bang gulat na gulat nila akong sabay na nilingon. Marahil gulat pareho sa aking presensya.
Tsk... "Tara na nga kayo at pumila na tayo. Pareho pa kayong tulala dyan"
Walang kibong sumunod sila sa akin. Sabay- sabay kaming nagbayad at umuwi.
Riiiiiiiinggg! Riiiiinnnnng!.......
(5:45am)
Pikit mata kong pinatay ang alarm ng cellphone ko at umayos sa pagkakahiga. Saglit na nagmuni- muni habang nakatingin sa kisema ng sarili kong kwarto. Ang bilis ng araw. Unang araw na naman ng klase. Ito na ang huling taon ko sa highschool. Senior year. Sabi nila memorable daw ang highschool. Ang highschool daw ang pinakamasayang mga taon sa pagaaral ng isang estudyante. Ako? Hindi ko naman hinihiling maging memorable, maging tahimik at payapa lang ang taon na to ay sapat na sa akin. Isang taon na naman ng pangbubully,pangaasar at pangaapi. Kung pwede lang ay wag na sana nila akong makita. Kung pwede lang sanang maging invisible sa paningin nila ay ginawa ko na buti na lang ay nandito ang dalawa kong matatalik na kaibigan kahit papaano ay nawala ang takot at kaba ko.
Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan na pasukan na naman pala marahil siguro ay sobrang nagenjoy akong kasama ang dalawa kong bestfriends. Tinotoo ni Nikko ang pangako niyang babawi siya sa amin sa mga panahong wala siya at sa mga panahong hindi namin siya nakasama. Gala dito. Gala doon. Kain sa kung saan saan. Kwentuhan at kulitan halos sa lahat ng oras.
Bumangon na ako para maligo. Mabilis lang naman akong maligo dahil wala naman akong nilalagay na kahit anong kolorete sa mukha. Pulbos lang ay okay na. Wala rin namang magbabago. Pangit pa rin ako.
Pagkatapos magbihis ay bumaba ako para kumain. Ang sarap ng almusal, paborito kong champorado.
"Hmmmm. Ang sarap!" , nakakatatlong mangkok na ako ng mapatingin ako sa orasan.
(6:50am)
"Shete! Late na ako! Tsk!"
"Bye nay! Bye tay! Pasok na po ako" paalam ko sa kanila habang patakbong lumalabas ng bahay.
"Teka anak! Happiee wag kang tumakbo! Alam mo namang...." dinig kong habol na paalala ni nanay pero di ko na siya pinansin pa at tuluyang tumakbo palabas ng gate. Ayokong malate sa unang araw ng klase. Malas daw yun. Baka buong taon pa ako malate. Buti na lang malapit lang ang bahay namin sa school na pinapasukan ko. Konting kembot lang at tambling ay mararating ko na ang school.
Malapit na ako sa gate at hingal na hingal na napahinto muna para huminga. Pakiramdam ko ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa pagkakatakbo ko na yun.
BINABASA MO ANG
Here in my heart
Teen FictionA love story Ulan at ligaya Posible nga bang main love ang magkaaway?