Chapter 6

31 1 0
                                    



Nikko's POV

Nasa Airport na kami ngayon at hanggang ngayon hindi pa din ako mapakali.
Mula sa eroplano, siya na ang iniisip ko na magpa sa hanggang ngayon siya pa rin at siya lang. Sa wakas makikita ko na ulit siya. Heto ako ngayon mukhang tangang napapangiti ng magisa dito sa sasakyan habang tinatahak ang daan pauwi sa amin. Ang tagal ng byahe. Kung pwede lang ako lumipad o kung pwede ko lang paliparin tong sasakyan ay ginawa ko na. Naiinip na ako. Sobrang naiinip na ako.

"Mukha kang tangang ngumingiti dyan haha ano bang natira mo ha?" siko niya sakin. Eto talagang pinsan ko panira ng trip. Palibhasa ay walang lovelife.

"Siraulo! Masaya lang ako at nakauwi na tayo hahaha" sagot ko naman sa gwapo kong pinsan na nagmana sakin hahaha Oppa! 👌

"Sus! Kilala kita loko! May iniisip ka. Ano? babae na naman yan noh?!"

"Iniisip? Anong babae na naman? Ako? Nambabae? Wala. Namiss ko lang talaga ang pilipinas at syempre namiss ko ang mga bespren ko"

"Okay. If you say so." sabay tingin sa bintana ang loko.

"Ikaw? Wala ka bang namimiss dito?" tanong ko sakanya habang tinataas baba ang kilay ko.

"Meron, pero baka hindi naman niya na ako maalala" pabulong nitong sagot na ikinalungkot nito.

"Ano? Sino?"

"Wala yun"

"Okay sabi mo eh. Nga pala aalis ako pagkauwi natin sa bahay may pupuntahan lang ako. Gusto mong sumama?" hindi ko na siya kinulit pa dahil masyado ng pre occupied ang utak kong inip na inip na sa byahe.

"Wag na. Ikaw na lang. magpapahinga na lang muna ako sa bahay paguwi" pumikit siya at tuluyan ng nakatulog sa byahe.

Tumingin muli ako sa bintana.

Damn it!

Excited na akong makita ulit siya!

Ganon pa din kaya siya? Masiyahin? Mataray? Bossy?, tanong ko sa sarili ko pero isang bagay lang ang nasisigurado ko, maganda pa din siya. Walang araw na hindi siya maganda sa paningin ko. Kahit pa umusok ang ilong niya sa galit, kahit pa tumulo ang uhog niya sa kakaiyak para sakin siya pa rin ang pinakamaganda.

Ang perpekto niyang mukha.

Matangos na ilong. Mabibilog na mga mata. Ang maninipis niyang labi. Ang mahaba at kulot niyang buhok. Sadyang perpekto. Perpekto lahat sa paningin ko.

Mahal ko....

Ayel....

Kahit anong pang pigil at subok kong kalimutan ka at ang nararamdaman ko para sayo.

Ikaw pa rin.

Ikaw pa rin talaga.

Gusto na kitang makita.

Gustong gusto na kitang makita.

Pagkauwi na pagkauwi ay nagbihis lang ako,nagtoothbrush at nagpabango. Konting papogi lang kahit na alam ko naman ng gwapo na ko. 😎

Naglakad ako papunta kaila Ali dahil ang sabi ng yaya ni Ayel ay nandoon daw ito.

Naglalakad ako ng makita ko na ang matagal ko ng gusto kong makita. Kahit na nakatalikod siya ay kabisadong kabisado ko na siya yun. Gusto ko siyang sabayan sa paglalakad at hawakan ang kamay niya. Gusto kong tumakbo papalapit sakanya para yakapin siya.

Here in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon