Chapter 5

38 1 0
                                    



Dumiretso na kami sa registrar's office para magenrol at malaman ang subjects and schedules namin.

Magkakakaklase kaming tatlo kayA sobrang saya namin.

Nakapila kami ngayon sa uniform section para makapagpasukat si Nikko ng uniform niya.

"My goodness! Napakainit! I look so haggard na!" reklamo ng napakatahimik kong bespren.

"Sorry na my love,wait lang at malapit na to" paglalambing naman ni Nikko na pinanglakihan ng mata namin ni Ayel sa pagkabigla.

"Anong...." di ko na natapos ang sasabihin ko ng may sumabat..

"Anong my love Nikko? Anong my love? My love mo mukha mo! Wag mo nga akong ginagaya sa mga babae mo! Wag ako!"

Okay medyo OA. Kunwari pa tong babaitang ito pero namumula naman. Mukhang kinikilig hahah

"Sorry na, pinapatawa ko lang kayo. Nahihiya kasi ako sainyo dahil hinintay at sinamahan nyo pa ako dito. Sorry na" kamot kamot ang ulo at ang isang kamay naman ay nakapeace sign.

"Osya! Bilisan mo na dyan. Basta lilibre mo kami" sagot ni Ayel, at pinalipad pa ang buhok ng gaga.

"Hahaha ang cute nyong dalawa. Alam nyo bagay kayo!"

"Ano? Kami? Bagay?" sabay na sagot naman nilang dalawa at sabay ring nagkatinginan sa isa' isa.

"Hahah see! I told you, sabay pa kayo. You look good together" para naman medyo magising sila, medyo manhid eh. Sabay nilang talikod sa isa't isa na pawang nagkakahiyaan.

"Nakoo! Tara na nga Ali. Gutom lang yan. Kumain na lang tayo" hatak niya sakin.

"Aba! Ang lagay eh ganon na lang? So si Bes lang ang ililibre mo?!"

"Hindi. Syempre pati ikaw. Ikaw naman nagtatampo ka kaagad"

"Osya. Ano pang hinihintay mo? Tara na at gutom na gutom na ko. Super duper haggard na rin tong kagandahan ko"

Pumunta kami sa mall para doon kumain. Habang kumakain ay napagdesisyunan na rin naming bumili na ng mga kakailanganin na school supplies para sa darating na pasukan.

"Nikko nasaan na nga pala ang pinsan mo? Dito na rin ba siya magsstay? Bat di pa ata namin namemeet ang pinsan mo ever since?" usisa ko.

"Oo nga. Bakit parang never pa naming nameet ang pinsan mo? Di mo siya nakkwento sa amin noon" pagtatanong rin ni Ayel.

"Eh kasi di naman kami close noon. Sa US na siya lumaki at oo dito na rin siya magsstay. Dapat nga kasabay natin siya magenrol kaso naman ay nauna na raw siya".

"Next time papakilala ko siya sa inyo. Mabait rin yun at gwapo katulad ko hahah"

"Parang gusto kong masuka bes" kunwari pang nabibilaukan ang bruha.

"Ouch! Ang sakit naman. Di pa ba ako gwapo sa paningin mo na to Ayel?" pagppuppy face ni Nikko sakanya.

Uuurgh! Ehem! Ehem! at tuluyan na ngang nabilaukan si ate girl. Ayan, loko ! deny pa kasi hahahah

Ehem! Ehem! "Wag mo nga akong pinapaandaran ng ganyan playboy" habang tapik tapik ang dibdib at sabay inom ng tubig.

Okay ayan na naman silang dalawa. Parehong mga in denial. Tsk!

"Hahahah" malakas na tawa ko.

Here in my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon