Chapter 1

794K 8.6K 697
                                    

It’s early in the morning, somewhere in Ayala Center Makati City. Everybody is hurrying on the street heading to their offices. Well, as we all know life is never been that easy. They say only poor people can experience the hardest of life but they're absolutely wrong! The more wealthy you are the more stress you have. Plus, there is nothing constant in this world but change, especially unforetold changes.

"Good morning, Sir. Y~you're finally her," wika ng secretary niyang parang balisa. Ngunit hindi ito pinansin ng among mukhang may kagalit pa sa phone.

"Sir, si ~ "

"What! Can't you see I'm talking with someone on the phone?" lalong nagalit ito.

"Sir I'm sorry but Mr. Ang is here and he will burst in anger anytime soon."

"Bakit? Hindi pa ba nadeliver mga orders niya? Ang tagal na niyan ah! I've been a good paying employer to you guys, but you did nothing but failure! Palpak na shipment, palpak pa ang submission ng ITR at heto pang kausap kong lawyer. Puro kayo palpak!" Nasa hallway pa nga lang siya sinalubong na naman siya ng mga problema kay aga-aga, kaya tuloy napagbuntunan niya ng galit ang secretary niya.

"Sir sorry pero ginawa ko naman po ang trabaho ko. Customs po ang may problema kaya na delay. I've been calling to follow up but still there's no feedback from them. Makulit po talaga siya at gusto kayong makausap personally," depensa ng secretary niya na makatuwiran naman.

"Just get out of my face and tell that old man to follow me in my office! " Pagkasabi niya ay tumakbo na agad ang secretary niya. Pumikit nalang siya't nagpakawala ng buntong hininga sabay hawak ng batok dahil baka atakehin siya sa sama ng loob. Pagkapasok niya sa office, mga ilang sandali pa'y nakita na niya ang makulit na panot na papasok ng pinto.

"Mr. Ramos, Ayus-ayusin mo ang serbisyo mo. Aba'y malulugi ang negosyo ko sa ginagawa niyo ah!" bungad agad nito habang papasok ito sa office niya. Kung 'di nga lang masamang pumatol sa matanda at nakapa-unprofessional, matagal na niya itong nasapak eh. Huminga siya ng malalim saka nagsalita.

"Mr. Ang nagkaroon po kasi ng problema ang Customs kaya nadelayed ang shipment. Hindi po kami ang nagkaproblema,” mariing sagot niya.

"Responsibilidad niyong i-follow up yan!"

"I understand your sentiment, and we keep calling them for feedback. Don't worry, as soon as they return our call I will personally update you. Sometimes there are unexpected things occur and we business men are aware of that. Yet, we would still gamble our investments."

"Ayusin niyo lang talaga or else I will ask for refund," sabay talikod nito at lumabas ng opisina niya.

Nasapo niya na lang ang noo niya at nagkuyom ng palad. Hindi siya makapaniwalang siyang si Gab Ramos, na kailanma'y hindi pinangarap humawak ng negosyo, ni sa panaginip man ay kasalukuyang nawiwindang kung paano niya hahawakan ang inihabilin ng Lolo niya. Nag-iisang apo siya at nasa States na naninirahan ang mga magulang niya. Ayaw niyang tumira abroad kaya napilitan siyang saluhin ang inihabiling pagawaan ng world class furniture ng Lolo niya. Iba ang passion niya sa buhay, hindi negosyo kundi pagdodoktor pero hindi na niya puwedeng pagsabayin ang dalawa dahil pinanunumpa siya ng Lolo niya bago ito namatay na aalagaan niya ang negosyo nito.

"Hey, are you okay bro?" wika ni Jason na best friend niya. Hindi niya napansing pumasok ito dahil seryosong-seryoso siya at nakatulala.

"Andito ka pala bro, hindi kita napansin."

"Yeah! It's been a minute passed but you're still out there somewhere. What's the matter, bro?" Nag-alala tuloy ang kaibigan niya.

"I just can't stand this, bro. After I took over this bussiness wala na akong ibang iniisip kung 'di problema sa company. Alam mo namang hindi ko linya to, 'di ba?" Napakamot siya ng ulo sa sobrang stress.

My Native Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon