Ang samà ng gising ni Gab kinabukasan. Nagkahang-over siya sa dami ng kaniyang nainom. Sinilip niya ang kama kung natutulog pa ba si Ariya pero wala na ito. Hindi siguro nakatulog dahil sa nangyari. Mukhang sumombra ata ang pagka-arogante niya. Well, hindi naman siya masisisi. In the first place, siya na nga itong nadehado, siya pa ang pinag-iinartehan. Kumbinsido si Gab na nasa katuwiran siya."Aishh! Masisira pa ang araw ng dahil sa'yo," wala sa loob na wika niya sa sarili. Nakaramdam siya ng gutom kaya lumabas siya ng kuwarto't pumanhik sa kusina. Doon niya ito nadatnan. Ay aba't naghahain ang peke niyang asawa ah!
"Ang sipag naman talaga ng asawa ko," bungad niya dito kaya nagulantang si Ariya at muntik ng mabitawan ang kawali. Natatawa siya sa nakikita kung kaya lalo pa niya itong inasar.
"How thoughtful of you naman wifey, uh..." kunwari kinikilig siya habang papalapit kay Ariya.
"Are you mocking me?" sinikap ng babaeng maging kalmante.
"No, I'm just trying to appreciate your thoughtfulness, wifey.''
Pakiramdam ni Ariya ay niyayamot lang siya ni Gab, o naging plastic lang ito. Polluted na nga ang daigdig sa sobrang dami ng basurang plastic na nagkakalat, dumagdag pa ang mga taong plastic na naglilipana. Walang mapagpipilian si Ariya kung 'di ang habaan na;lang ang lubid ng kaniyang pasensiya.
"I'm just doing my responsibility to you as your wife,'' pagdiriin niya, sakaling tablan ang kaplastikan ng kausap.
"Good! Magkakasundo tayo niyan."
"Naimbag nga bigat apukok," singit ni Apo Endo. Nagulat sila pareho't napatingin sa may-edad.
"Naimbag nga bigat apo," tugon ni Ariya.
"Magandang umaga din po, Lo," tugon naman ni Gab.
"Do we have problem here?" Mukhang nahalata ng may-edad ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
"Awan apo," sagot agad ni Ariya.
"Wala po, in fact we're discussing if who will be doing the household chores when we will be living on our own. So we both have an agreement, right wifey?" sabay lapit nito at inakbayan si Ariya.
"Oh well, glad to hear that. By the way, how was your first night together? Did you have some sleep?''
Malisyoso ba talaga ang may-edad na ito o gusto lang talagang alamin kung nakatulog ba dalawa?
"Ay opo, sa sobrang pagod sa reception kahapon hindi ko na namalayan kung humihilik ba ang asawa ko o hindi," binanatan pa rin ni Gab si Ariya, pero as usual blangko pa rin ang reaksiyon nito.
"Buti naman kung ganoon. There are couples having problem with their first night together, lalo na ayaw ng isa na may katabi. Minsan naman malakas humilik ang isa sa kanila. Just a little adjustment and you'll definitely get use to each other later on,'' litanya ni Apo Endo.
Ayon naman pala eh, hindi naman pala malisyoso. Sadyang concern lang talaga ang may-edad. Pagkaalis ni Apo Endo agad-agad dumisantsiya si Gab kay Ariya na para bang may nakakahawang sakit na ketong.
"You're so jerk! Am I a leper?" Bagama't inis na inis si Ariya, nakuha pa rin nitong magtimpi ng emosiyon kahit pakiramday sasabog na.
"Baka kasi mainlove ka pa sa'kin kapag didikit ako sa'yo eh." Pagkuwa'y lumagok ito ng tubig.
"The nerve!" wika ni Ariya sa sarili.
Nagwalk out na lang si Ariya baka hindi niya matantiya ang kapreskohan ng kausap at masapak niya ito. Pero sadyang gustong sagarin ni Gab ang pagtitimpi niya at hinabol niya nito.
"Don't be so hypocrite. Alam ko namang kanina mo pa ako gustong lamunin eh. Eh kung makaasta ka diyan, parang kasuklam-suklam ako na nilalang para maging asawa mo. Eh gaano pa ako? Buti na lang talaga hindi totoo at...''
"Stop it! I'm begging you stop this nonsense talk, please. Let's be peaceful, at least for this last day of our nightmare. Aren't you tired of fighting? Tomorrow you'll be free so you can finally go back to your glorious life.'' Hindi na nakapagsalita si Gab.
Naiwan siyang nakanganga, palibhasa'y may point din naman si Ariya. Babalik na sila ng Maynila kinabukasan pero puro pang-iinis na lang nasa isip niya. Bakit hindi niya na lang sulitin ang bakasyon tutal last day na ito?
Naisip niyang puntahan ang kaibigan para yayaing lumabas. Pagkapasok niya sa kuwarto ng kaibigan, abalang-abala to sa paghahanap. Parang may kung anong mahalagang bagay na nawala.
"Hey bro, anong hinahanap mo?'' Nagulat ang kaibigan niya noong makita siya. Parang takot na ewan.
"Okay ka lang?" tanong ni Gab dito.
"Ha? Ah, eh oo. May hinahanap lang akong importante"
"Kailangan mo ng tulong?"
"Ay hindi..hindi na." Parang asiwa ito.
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Mahahanap ko din iyon. Mabuti pa maglibot ka na lang kasi uuwi na tayo bukas. Sulitin mo na ang vacation mo dito."
"Kaya nga ako pumunta sayo para yayain ka eh."
"Ah mauna ka na lang. May hahanapin lang akong mahalagang bagay."
"Sige, sabi mo eh."
Hindi niya maiwasang mag-isip kung anong hinahanap ng kaibigan niya. Bakit parang naasiwa ito noong makita siya? Naglibot siya kung saan-saan. Nakarating siya sa may sapa medyo mga kalahating kilometro ang layo mula sa bahay ng kaibigan niya. Sa linaw ng tubig, naeenganyo siyang maligo. Maghubad na sana siya nang makakita siya kung sino ang babaeng nakasandal sa pangpang na nagbababad sa tubig. Dahan-dahan siyang lumapit para alamin. Pambihira! Sa lawak-lawak ng lugar, dito pa talaga sila nagpang-bot. Akmang aalis siya nang bigla itong nagsalita.
"Masarap ang tubig. Come on! Andito ka na rin lang naman eh bakit ayaw mo pang maligo?" Nakakapanibago ang tono ng babae. Biglang nagkaroon ng emosiyon ang tinig nito. Parang bumalik ang tagpong muntik niya itong mabunggo kahapon. Bakit nga ba hindi niya subukang maging mabait dito kahit isang araw man lang?
"Kung okay lang, bakit hindi."
"Why not? I didn't own the water.'' Lumangoy ito pagitna ng sapa.
Nagpaunlak si Gab sa dito. Medyo awkward noong una kasi ibang-iba ang mood nito mula ng nakilala niya ito. Pero dahil last day na niya dito, dapat lang maging mabait siya dito. Kahit papaano maayos naman siyang inasikaso ng pamilya nito. Doon nagsimula silang mag-usap ng totoong usapang matino habang nagbabad sila sa tubig. Mula kailaliman hanggang kalawakan, mula siyudad hanggang sa Benguet ang pinag-usapan nila. Maging ang dahilan ng kaniyang bakasyon ay naikuwento niya dito, kaya hindi nila namalayang magtatanghali na pala.
"Naku, masakit na sa balat ang araw," wika ni Gab.
"Oo nga, tanghali na pala. Tara balik na tayo baka pinaghahanap na nila tayo.''
"I like it." Iba ang naging tugon ni Gab.
Sa totoo lang, parang nakaramdam si Gab ng kakaiba. Nadagdagan pa siguro nang makita niyang maikli ang suot ng babae. Kahit lagi siyang nakakita ng babaeng maiksi manamit sa Maynila, pero iba pala kapag conservative ang magsuot ng pampaligo. Hindi niya maitatagong napahanga siya sa nakatagong kagandahan nito.
"Like what?" inosenteng tanong ni Ariya.
"You know, maybe hindi lang talaga kita kilala kaya hindi tayo nagkakasundo, not until this moment. Mukhang mabait ka naman pala." Napatitig siya dito.
"Yeah...same here. Tara na." Naasiwa naman si Ariya kaya binawi niya ang kaniyang paningin at umahon sa tubig.
Umuwi silang nagkuwentuhan pa rin. This time medyo okay na ang dating nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
My Native Wife [COMPLETED]
RomanceHow would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ramos, an allergic of the word 'commitment' was framed up to marry a native woman by his very own so c...