Chapter 2

294K 3.5K 324
                                    

Naalimpungatan si Gab nang marinig niyang may nag-uusap. Hindi niya naintindihan ang mga sinasabi dahil Ibaloi ang ginagamit nila. Hindi siya nakatiis at lumapit siya ng bahagya sa dingding. Napag-alaman niyang ang kaibigan niya pala ang may kausap. Waring galit ang boses ng matanda pero kalmado naman ang isa. Maya-maya'y nag-English ang kaibigan niya kung kaya nakakaintindi na siya sa mga sanasabi nito. Palibhasa kasi mas maalam ang mga may edad na katutubo ng English kaysa Tagalog. At iyon ang nakakamangha!

''Apo, I promise I'll never let you down."

"Well, I've been hearing these words since last year. My goodness! I'm running out of days. I'm getting older and weaker now. Do something before you send me to my grave!''

"Apo you will surely live longer so please, don't say that. Besides it's not that simple to find that particular person. I have to be careful in my decision and you know that. Just give a week and it'll be fulfilled. Just give me a week.''

"This is your last chance. If you are not able to fulfill it, you know exactly what will happen. I mean it!"

"Yes, I know.''

"Alright! Now be hospitable to your visitor. Take care of him."

Nang marinig ni Gab iyon, dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at tinungo ang kinaroonan ng nag-uusap.

"Oh bro, buti gising ka na. Halika, pakikilala kita sa lolo ko," bungad agad ni Jason noong makita niya si Gab.

"Mayat yan agsapam lolong,'' bati ni Gab sa may-edad.
(Magandang umaga Lolo)

"Wen. Aa, amtam gayam yan man esel ni Ivadoy!"
(Oo. Aba'y marunong pala itong mag-Ibaloi.)

"Otek bengat lolong.'' Sa totoo lang, nag-memorize lang naman siya ng mga ilang pangungusap mula sa Google.
(Kaunti lang po Lo) Sa totoo lang, nagmemorize lang naman sa ng mga ilang pangungusap mula sa Google.

"Ngentoy ngaran mo apok?''
(Anong pangalan mo apo?)

"Gab Ramos po," matipid niyang tugon.


"Angagsapa ka la?''
(Nag-almusal ka na ba?)


''Napselak pylang, no egay da, pyan kon mandikdiked shiya kad-an yo.''
(Busog pa po ako Lo. Mamaya nalang po,gusto ko pong maglibot muna sa lugar niyo.)

"Lolong endawak da.''
(Lolo aalis na po ako)


"Sige apok, pan-annad ka.''
(Sige apo mag-ingat ka)

Tumalikod na si Gab pagkatapos nagpaalam sa may-edad at binulungan ang kaibigan niya.

"Tara, ilibot mo na ako sa lugar niyo!" excited na wika niya.

"Ayaw mo talagang kumain bro? Well, save it for later."

"Bakit? Anong mayroon mamaya?"

"Family reunion, at maghahanda sila ng maraming pagkain."

"Ayos 'yan! Magpapagutom ako ng husto para sulit naman ang handa nila," sabay ngiti niya.

Bagama't maganda ang pangangatawan niya, wala sa bokabularyo niya ang salitang diyeta. Siguro mabilis lang talaga ang metabolism niya at masipag siyang mag-excercise, kaya makisig pa rin siya. Bagay sa kaniyang mestizong anyo.

My Native Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon