Finally nakabihis na si Gab. Medyo asiwa siya sa suot niyang traditional costume. Ito ba yong tinatawag na bahag o ano? Paano kaya nila nakakayanang suotin ang ganitong kasuotan na parang halos naka-underwear lang? Bakit ba siya napapayag na magsuot ng ganito sa harap ng marami? Hindi niya matanggal ang kaniyang paningin sa sarili niyang repleksiyon. Napapailing nalang siya, para kasing sasabak siya sa the naked truth sa suot niya eh. Wala na siyang magagawa dahil napasubo na siya.
"Bro, are you done?" Biglang pumasok si Jason sa silid niya, ganoon din ang suot.
"Can I really make it wearing like this?"
"Oo naman. Tingnan mo, gorgeous ka naman. Pareho naman tayo ng suot oh, saka lahat naman magsusuot ng ganito eh."
"Uh! I just can't!" sabay kamot niya ng ulo.
"Bro naman, andito na tayo eh, last phase na 'to oh. Back to normal na tayo bukas at ~ " Hindi natapos ang sinabiya dahil pumasok ang lolo niya.
"Tara na mga apo, magsisimula na ang ceremony," sabi ni Apo Endo.
"Sige po, sunod na kami." Tumalikod na ang may-edad. Napansin ni Jason na tagaktak ang pawis ni Gab.
"Bro let's go...'wag kang kabahan. Sandali lang naman 'to eh." Tinulak niya si Gab palabas ng kuwarto dahil nagaatubili pa itong lumabas. At hindi nila napansing may naglalakad sa labas kaya ~
"Wo~whoa! I'm sorry, I ~ uh..." Naputol ang sasabihin ni Gab nang mapagsino ang muntik niyang mabunggo. Nakakagulat ang ganda ng babaeng kaharap niya.
"Ok lang, no harm done," Walang ka-emo-emosyong sagot nito sabay ayos nito sa suot niyang traditional costume na nagpalutang lalo sa magandang hubog ng kaniyang katawan.
"So, shall we?" Sa 'di malamang kadahilanan, biglang nag-iba ang mood ni Gab.
"Sure." Magkasabay silang lumabas ng bahay at tinungo ang rose farm na pagdadausan ng kanilang kasal.
Nakalimutan na ni Gab na may kaibigan pala siyang kasama. Parang may kung anong sumapi sa kanya at biglang na-hypnotized siya. Well, nakakagulat nga naman ang itinatagong ganda ni Ariya.
Hindi nila inakala na doon pa talaga dadausin ang kasal sa ilalim ng puno kung saan niya natagpuang umiiyak ang dalaga. Ang ganda ng theme, puro fresh roses ang decor na pumapaikot sa venue. Nature na nature ang dating. Ang bango pa ng mga bagong pitas na roses.
"They're here, so we can now start the ceremony," bungad ni Apo Endo.
Bakas sa mga mukha ng mga nandoon ang excitement para sa ikakasal. 'Yong iba'y animoy kinikilig. Gaano pa kaya kung totoo talaga ang kasal na 'to? Gab felt sorry to them.
"May we call on the presence of our important guest, Mr. Baligud from the Civil Registrar Office to come in front with the documents?" Lumapit ito sa harapang table dala ang mga dokumento.
"May we call on the two witnesses Mrs. Dingal and Mr. Abuya in front?'' Masaya namang pumanhik ang dalawa.
"Now let us call on the lovely couple ~ Gab and Ariya!'' excited na wika ng may-edad.
Bagama't kinakabahan, sinikap niyang alalayan ang bride-niya-kuno papunta sa harap ni Apo Endo. Nanginginig siya kaya napansin ito ng dalaga at napangiti ito ng 'di oras, bagay na lalong nagpapagulo ng katinuan niya. Hindi niya napansing nasa harap na pala sila mismo ni Apo Endo. Tumingin ito sa kanila at ngumiti.
"Let us begin the ceremony...Mapteng yan agsapa tayon emin, naulnong kito panggep niya kaemportantean yan okasyon ni pamilya tayo, ta kasal niya apo. Ta sigak garud e kadakayan, waran sigak e karbengan tan shayaw yan mangasal son sigayo.'' Tumingin ito kay Ariya at nagpatuloy sa pagsasalita.
("Let the ceremony begin...Magandang umaga sa lahat, tayo'y nagkatipon para sa pinakamahalagang okasyon ng ating angkan ~ ang pagiisang dibdib ng aking mga apo. Bilang pinuno ng tribo, isang kagalakan na pag-isahing dibdib kayo sang-ayon sa karapatan at awtoridad na aking namana.")
"Sigam be-e shi sango eran ya waradjay niman, talagan piyan mo eya dakin paki asaw-an enggatod tongpal biag mo?" Ilang segundo muna bago nakapagsalita si Ariya.
("Ikaw babae, sa harapan ng mga saksing ito, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong kabiyak hangang sa dulo ng iyong buhay?")
"Owen." Sa wakas sumagot siya. Bumaling naman Ang may-edad ng tingin kay Gab.
(Opo.)''Sigam daki shi sango eran ya waradjay niman, talagan piyan mo eya be-en paki asaw-an enggatod tongpal biag mo?"
("Ikaw lalaki, sa harapan ng mga saksing ito, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong kabiyak hangang sa dulo ng iyong buhay?")
"Owen." Palibhasa'y alam niyang peke ang kasal kaya walang kagatol-gatol siyang sumagot.
(Opo.)"Well, your answers serve as an official seal of this ceremony. From now on you are now husband and wife." Pakasabi niyon ay nakakabinging palakpakan ang sumang-ayon sa proklamasyon ni Apo Endo. Walang eksenang 'kiss the bride' yamang wala ito sa tradition ng angkan nila. Para daw kasing 'di maganda sa mata ng mga kabataan at ito'y gawaing palihim mag-asawa.
Pagkatapos nilang pumirma ng papel, sinimulan agad ang kasiyan pagkabalik nila ng bahay. May sayawan, kantahan at inuman. Bagamat peke ang lahat na-enjoy ni Gab ang kasiyahang nagaganap. Para bang nakawala siya sa hawla. Minsan lang nangyari ang ganitong kasiyahan sa buhay niya dahil puro problema sa negosyo ang inatupag niya. Hindi niya namalayang naparami siya ng inom anupat hindi na niya kayang tumayo. Kaya naman binuhat nalang siya ng mga pinsan ni Ariya papasok ng kuwarto. Dahil mag-asawa na kuno sila, napilitan ang babae na samahan siya. Sinisinok siya sa sobrang kalasingan.
"Woo! I love, '' sinok ''t~this feeling," sabi niya habang nakatingin kay Ariya na naghahanda ng bempo.
"So, this is how it feels to be married." Wala pa ring kibo si Ariya na abala sa pagpupunas ng mga braso niya.
"Hey! Kinasal nga tayo, ganyan ka parin? Pano nalang kung totoo ang lahat baka mawendang ka. Stop acting like you disgust me! I should be supposed to act like that." Hindi na siya nakapagtimpi sa pinapakitang reaction ng babae dahil nasaktan ang ego niya.
"What! Is this all a lie?" Halos 'di makapaniwala ang babae sa narinig.
"Yes! Wala sa bokabularyo ko ang salitang kasal! In the first place, you should be thankful to me coz if it's not because of my best friend I will never do this. Kung maka-react ka kala mo gusto ko ring pakasalan ka? Stupid!" Hindi na nakapagsalita ang babae sa sobrang shock sa mga rebelasyon at para bang umiyak ito.
"Tears of joy, huh? I'm begging you to cooperate with us. After I'm outta here, everything will be back to normal so utang na loob, can you just pretend to be my real wife until Friday? Dito ka na matulog para di sila magtaka. 'Wag kang mag-alala hindi ko pagiinteresan ang gaya mong dalagang bundok." Kumuha siya ng unan saka humilata sa sahig. Ibinigay niya kay Ariya ang kama.
Grabe! Parang nawala ang kalasingan ni Gab sa mga nasabi niya. Hindi niya dapat sabihin iyon pero napuno na siya. Bahala na kung anung mangyari pagkatapos.
*************************
Author's note :
Guys, kung nagustuhan niyo po, please wag po kalimutan magcomment parae mas ganahan pa ako magsulat.
BINABASA MO ANG
My Native Wife [COMPLETED]
RomanceHow would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ramos, an allergic of the word 'commitment' was framed up to marry a native woman by his very own so c...