BADJAO's POV
"Kuya Kap! Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ng kapatid kong si Blaster. "Pansinin mo naman yung mga batang nag-eenjoy sa feeding program mo."
"Iniisip ko kasi ano pang pwedeng gimik ngayong Disyembre at nalalapit na pasko. Maliban sa feeding program dapat may pakulo din tayong iba." Sagot ko. Ang hirap maging maging barangay captain. Hindi mo lang dapat pinamumunuan ng maayos ang barangay mo, kundi dapat umiisip ka rin ng paraan paano sila mage-enjoy.
"Mag-focus tayo kuya sa Music, Dance, and Arts." Sabi ni Blaster. Pakiramdam ko balang araw, si Blaster ang papalit sa pwesto ko. "Ganito kuya, ako iisip sa Music and Arts tapos ikaw sa Dance? Ayos ba?"
"AYOS!"
BINABASA MO ANG
ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)
Fanfiction🌌 ZUMBANG GABI • Badjao De Castro Serye ~ in which the barangay captain (Badjao) and a lady fell in love with each other while having zumbang gabi 😂