• 28

3 0 0
                                    

Y/N's POV

Kinoronahan na ang Ms. Christmas Fashion Show 2018. Syempre hindi ako yun, nanghihinayang ako kasi pinag-effortan namin ni ate Shanne yung costume ko at pagkatapos ang mananalo yung simpleng gown lang tas binalutan lang ng sanga ng Christmas tree? Pero ayos lang, 1st runner up naman ako.

"Y/N, huwag ka ng malungkot." Sabi ni ate Aimee. "Atlis lumaban ka ng patas. Yung nanalo kasi, may chismis na sugar daddy niya daw yung isang barangay captain. Kaya ayun."

"Excuse me po, pwede po kaming mag-usap ni Y/N?" Tanong ni Blaster. Nandito pa rin kami sa stage.

"Sige! Maiwan ko muna kayo." Sabi ni ate Aimee.

"Blaster, salamat sa suporta." Sabi ko sa kaibigan ko at niyakap siya.

"Walang anuman, Y/N." Napansin ko na may dala-dalang regalo si Blaster. Para kanino yun?

"Blaster, para kanino iyang regalo na bitbit mo?" Tanong ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinahawak sa akin ang regalo.

"Para sayo yan. Advanced Merry Christmas, Y/N. I hope all your dreams will come true."

ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon