• 12

3 0 0
                                    

BADJAO's POV

"Ang ibig ninyong sabihin Blaster at Y/N na rarampa ang mga napiling modelo gamit ang Christmas Decorations?" Tanong ko at tumango silang pareho. "Mukhang bago ito. Sige, ipapasa ko ito. Ipapa-ayos ko na rin sa budget office kung magkano ang ibibigay sa bawat representative upang pang-gastos sa costumes."

"Yun lang ba ang suhestiyon ninyo?" Tanomg ko. "Kung meron pa, sabihin niyo lang."

"Kuya Kap, kasi kanina may mga nadaanan kami ni Y/N. Gusto daw nilang “sumeksi” ngayong Pasko." Sabi ni Blaster. "Humihingi sila ng pa-zumba at gusto nila gabi."

"Sige, magpa-zumba tayo!" Agad kong sabi. "Kaso anong ipapangalan natin sa programang ito? Papawis sa Gabing Malamig? Tadtad?" Parehas na umiling si Blaster at si Y/N na kaibigan ni Blaster pero sabay din silang sumigaw sa harap ko.

"Wala akong maisip na pangalan." Sagot ni Y/N. "Kaso Kap, sinong magtuturo?"

Si Y/N pala yung magaling sumayaw na estudyante kanina! Eh kung siya na lang kaya magturo? "Y/N, ikaw na magturo? Gusto mo ba?"

"Ako po kap?" Tanong niya. "Pag-iisipan ko po sige."

"May naisip na akong pangalan ng programa!" Masayang sabi ni Blaster.

"Hala! Ako din! Sabay natin sabihin!" Sabi ni Y/N. Sasabihin na sana nila ngunit nagulat kami nang may dumating na residenteng lakaki.

"KAP BADJAO! KAP BADJAO! MAY NAGRARAMBOLAN PO SA MAY KANTO NG BARANGAY NATIN!"

ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon