Y/N's POV
Kakatapos lang ng zumbang gabi at bago ako dumiretso sa bahay para magbihis ng pang-simbang gabi, sinamahan ako ni ate Shanne dito sa memorandum board ng barangay namin.
"Ikaw Y/N ah! Hindi mo sinasabi na kandidata ka pala sa Christmas Fashion Show." Sabi ni ate Shanne. Ako? Kasali? Paano? Binasa ko ang nakasulat at bawat street may kandidata, at ako sa street namin?!
"Paano nangyari ito?" Tanong ko.
"Sinali kita, Y/N." Nagulat ako kasi biglang sumulpot si kap Badjao. "Walang gustong sumali sa street natin kaya ako na ang nag-pasya. Hindi naman ito magiging bias dahil hindi ako maghuhurado. Tatlong barangay captain sa tatlong barangay at dalawang mga bakla na expert sa pageant."
Magpapasko na pero nas-stress ako. Ang dami kong iniisip tulad ng mga bagong steps para sa zumbang gabi tas iisipin ko pa niyan yung costume ko. Hay nako.
BINABASA MO ANG
ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)
Фанфик🌌 ZUMBANG GABI • Badjao De Castro Serye ~ in which the barangay captain (Badjao) and a lady fell in love with each other while having zumbang gabi 😂