Blaster's POV
Papasok na kami ni Zild sa simbahan at nagulat ako dahil nakita ko na naman ang mga jumajaporms na mga Hypebeast tuwing simbang gabi.
"Gabi na pero naka-shades pa yung dalawa sakanila." Mahina kong sabi at narinig pala ako ni Zild."Hoy Silonga, huwag kang judgemental nasa simbahan ka. Tsaka hayaan mo sila kapag ikaw naman pumoporma hindi ka naman nila jinujudge." Sabi ni Zild. Na-sermonan pa ako. "Nasaan pala si Kap Badjao?"
"Si kuya? May inaayos na gulo sa barangay hall eh." Ang kuya ko, si kuya Badjao De Castro, ang barangay captain ng barangay namin syempre. Magka-iba kami ng apelyido kasi magka-iba kami ng tatay pero wala naman kaso yun. Magka-dugo pa rin kami.
BINABASA MO ANG
ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)
Fanfiction🌌 ZUMBANG GABI • Badjao De Castro Serye ~ in which the barangay captain (Badjao) and a lady fell in love with each other while having zumbang gabi 😂