Y/N's POV
"Anak, eto ang gown ko nung nag-JS prom kami ng tatay mo nung araw." Sabi ni nanay. "Ikaw na ang bahalang mag-lagay ng dekorasyon diyan. Basta kapag kailangan niyo ng tulong ni Shanne, tawagin niyo lang ako."
"Opo nay, salamat po." Sabi ko. Nandito
kami ngayon ni ate Shanne sa kwarto ko at didiskartehan namin ang costume ko. "Ate Shanne, ang naisip ko, takpan natin ng diyaryo yung gown, tapos ano gagawin?" Tanong ko."Naisip ko sanang balutan natin ng garlands yung gown. Kaso mas maganda kung kukulayan natin ng shimmering gold yung gown tas garlands, necklace mo tas christmas balls, earrings mo tas yung christmas ornaments sa ulo mo." Suggestion ni ate Shanne. "Diba pangarap mong mag-ballet? Since long sleeves naman yang gown ni tita, tas mid-cut lang siya sa baba, edi gawin natin na you are a ballerina dancer."
"Kaso ate.... Wala akong...."
"Wala kang nutcracker?"
"Wala akong ballet shoes."
BINABASA MO ANG
ZUMBANG GABI (Badjao De Castro)
Fanfiction🌌 ZUMBANG GABI • Badjao De Castro Serye ~ in which the barangay captain (Badjao) and a lady fell in love with each other while having zumbang gabi 😂