KURT MONTES

0 0 0
                                    

(Kabanata 2)
Kurt POV..

Oi kurt!? Ayos ka lang?.

Ahh oo ok lang ko Mark. May kailangan ka ba?

Kurt nitong mga nakaraang araw lutang ka? Nagdru-drugs ka ba?
Tiningnan ko lang siya di ko alam ang isasagot kasi maging ako di ko din alam bat ako nagkakaganito.

Oi lutang ka nanaman . Joke lang un to naman..
Nakangiting sabi ni Mark sabayan pa ng paghampas ng kamay sa balikat ko. Tinawanan ko na lang siya.

Oh ito icheck mo daw tong documents tas save mo sa USB pass mo kay Boss. Tumango na lang ako at bumalik sa harap ng monitor. Di ko alam bat ako ganito kung bat ako nag iinarte na sa simula palang alam kong walang KAMI. Alam ko din sa panahon ngayon uso na ang tikim lang pagkatopos wala na. Finish na!! Ewan ba!! At alam ko din na walang dapat sisihin sa nagyari dahil ginusto ko. Ang tanga ko lang kasi umaasa ako na pagkatapos ng nagyari e mas lalalim pa ang ugnayan namin. Bat ako ng iisip ng ganon e parihas kaming lalaki ang lakas din ng pakiramdam kong straight siya. Ang tipo niyang lalaki ay ginagawang experiment ang pakikipag talik sa kapwa lalaki mensan trip-trip lang. Isang buwan na ang nakalipas nung may magyari samin sariwa pa sa alala ko lahat. Hayyyyssssst! Erase.. Bina-badtrip ko lang ang sarili ko. Bahala siya sa buhay niya.. Dahil sa kanya nawawalan ako ng focus sa trabaho laging lutang.

Kurt! Kurt! Sabi ni carla sabay mahinang tampi saking pesngi.

Ohh ! Biglang balik ako sa realidad.

Lam mo kurt try mong mag leave Suggest ni Lesiel.

Oo nga Kurt nitong mga nakaraang araw lutang ka. Ga-drugs ka ba? Tanong ni carla.

Aray! Sigaw ni carla binatokan siya ni lesiel..

Baliw ka talaga carla. Bat naman magdru-drugs si kurt.. ?

Ga-joke lang ako ito naman napaka OA!!.
Pinapanuod ko lang silang nang babangayan. Natapos na ang lunch break balik ulit kami sa trabaha agad akong pinigilan ni lesiel.

Kurt suggest ko mag leave ka tutal wala na namang masyadong trabaho dito sa opisina pagpahingahin mo din ang sarili mo di ka rubot tao ka. May hangganan.
Napa isip ako sa sinabi ni lesiel tama nga naman siya kailangan kong magpahinga.

Wag kang mag alala lesiel ok lang ako pero siguro tama ka kailangan ko nang pahinga bukas magpapaalam ako kay boss. Kahit mga tatlong araw lang papayagan naman ata ako. Nakangiting wika ko.

Good hopeful ako na pagbalik mo e masigla ka na at di na lutang. Hinakap niya ako tas mahinang kurot sa pesngi ko.

--------------------------------------------
Kuya maaga po akong uuwi ngayon dito po ako mag-tatanghalian.

Aww. Bat ang aga ng uwi mo?

Ahh plano ko po kasing magleave ng tatlong araw sa trabaho kuya.

Ganon ba mabuti naman at naisipan mong magpahinga.
Sige uuwi din ako ng tanggali dito para sabay sabay na tayo managhalian.

Sige kuya alis na ko..

Ingat.

Hindi naman ako nahirapan mag paalam kay boss.

Ok lang kurt gusto mo isang linggo kang on leave walang problema sakin isa ka sa masipag at magagaling na impleyado dito tungkulin namin na alagaan kayo.

Ok na po ang tatlong araw sir. Nakangiting tugon ko kay sir mike

O sige ikaw ang bahala. Nga pala pansin ko na medyo nanga-ngayayat ka may problema ba.? Di ko pweding sabihin na nagkakaganito ko dahil sa isang lalaki baka ano pa isipin ni sir.

Kurt Montes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon