Incipit PrologusThird-Person Point of View
Hindi malaman ni Quinn ang mararamdaman habang nakasasaksi sya ng malademonyong okasyon.
Nakatayo sya sampung metro mula sa podium na napaliligiran ng walong tao. Nakasuot ang mga ito ng kulay dugong roba takip ang kanilang mga mukha.
Sa podium naman ay may nakatayong dalawang babaeng nakaharap sa isat isa. Ang isa ay balot sa dugo samantalang ang isa naman ay nakaputing roba na may mahaba at makintab na pulang buhok.
"Anong nangyayari?" He asked himself whispering.
Napatitig sya sa babaeng may pulang buhok. Hindi nya inintindi ang mga taong nakapaligid sa dalawang babae na nagsisimula nang magbanggit ng mga salitang hindi nya maintindihan.
Isa lang ang nasa isip nya, kamukhang kamukha nya ang babaeng may pulang buhok.
Habang tumatagal ay mas nakikita nya ang pagbabago sa babaeng nababalutan ng dugo. Para bang sinisipsip ng balat nito ang dugo at nagmumukhang natural na kulay na balat ng babae. Ang buhok nitong matingkad na itim ay naging kulay abo at nagmistulang dikit dikit.
Hindi nagtagal ay nagmistula ding nagaapoy ang paligid ng podium. Mula sa nagbabagang balon sa gitna ng podium ay may umahong nagbabagang tao. Sya na ba ang sinasabing demonyo? tanong nya sa sarili.
Walang usap usap ay itinutok nito ang nagbabaga nitong daliri sa puso ng babaeng may pulang balat. Nawalan ito ng buhay at sumabog.
Bigla akong kinabahan ng napatingin naman ito sa babaeng may pulang buhok. "Sinuway mo ang patakaran ng paaralang ito."
Kahit pagbigkas ng halimaw ay nakapangingilabot. Malalim na parang nanggaling pa sa impyerno.
"Lilith! Tara na! Iligtas mo ang bata!" Sigaw ng isa sa mga tao na nakapalibot sa podium.
"Volant!" Bigkas ng sinasabi nilang Lilith kasabay ng pagtapon nito sa ere.
Sabay na tumakbo ang babaeng may pulang buhok at ang lalaking sumigaw.
"Divinum Lumen!" Sabay sabay na bigkas ng mga natira na sinundan ng malakas na pagsigaw ng halimaw.
Nagbago ang paligid ni Quinn, napunta naman sya sa isang kagubatan. Kita parin nya ang babae at lalaking tumatakbo kanina. "Mantus! Manganganak na ako!"
Napatanong nalang si Quinn sa sarili, paanong buntis ang babae gayong hindi naman malaki ang tiyan nito.
"Revelare!" Sambit nung Mantus.
Lumaki tiyan ng babae. Parte lang pala ito ng pagbabalat kayo. Kung totoo man ang nakikita nya, maaring totoo rin ang mga napapanood nya sa telebisyon.
Nagbago na naman ang paligid nya. Ngayon naman ay nasa harap sila ng bahay nya. Iniwan ni Mantus at Lilith ang sanggol sa harap ng pinto.
"Magkikita ulit tayo balang araw anak, Samael." Huling salita na iniwan ni Lilith sa sanggol.
"Samael?" Tanong ni Quinn sa hangin.
Humarap sa kanya si Lilith at Mantus. Naglakad na parang hindi sya nakikita. Napapikit nalang si Quinn ng bubunggo na sa kanya ang dalawa.
Pagmulat nya ay kisame na lamang ang nakita nya.
"That dream again..." sambit nya habang hinahabol ang hininga.
"I wish I would never need to close my eyes again..."
BINABASA MO ANG
Diablerie: School of Magic (BL)
FantasyIt was just an ordinary day. I was just an ordinary student. But who knows what is ordinary, who knows what is normal? Until I was enrolled in this so-called Diablerie, anything can happen in a blink of an eye. I wish I will never close my eyes agai...