Chapter Two
"Venom of God"Quinn's Point of View
"It's already 12:00, they must be here already."
"Who are you talking about?"
Nasagot ang tanong ko ng may biglang lumiwanag. It feels like time has stopped. Kinailangan ko pang takpan ang mata ko because of the blinding lights.
"Them."
Ng mawala na ang liwanag ay in-adjust ko muna ang paningin ko. Nasa harap namin ang tatlong matatangkad na kalalakihan. Puro sila nakaroba kayat hindi ko makita ang mga itsura nila.
Mukha silang tanga na hawak hawak pa ang kamay at nakayuko.
Ng unti unting nawala ang liwanag ay saka nila tinanggal ang hood ng kanilang roba.
Natulala ako sa kagwapuhan ng tatlo, ang nasa kaliwa ay nagpakilalang, "Azazel but you can call me Azel."
Sya ang pinakamatangkad at malaki. Para bang hanggang dibdib nya lang ako at kailangan ko pang tumingala. Tinitigan ko sya, semi-calbo, brown hazel eyes, makapal na labi, at shaved eyebrow.
Sunod naman nagpakilala yung nasa kanan, "Alastor, pinakagwapo sa lahat!"
Natawa naman ako sa pagka-conceited ng isang to. "Bakit? Hindi ba?" clueless nyang tanong. Siguro kasing tangkad ko lang sya. Para kaming dwendeng dalawa sa tatlong lalaking nakapalibot samin.
Mayroon syang bagsak na buhok, singkit na mata, at plump lips na mukha syang koreano.
Tiningnan ko naman ang nasa gitna biglang may dumaloy na kung ano sa katawan ko, hindi ko maalis ang tingin sa mukha nya lalo na sa mata nyang may pagka-pula. Hindi ako nakapag-focus sa buong mukha nya dahil hindi maalis ang tingin ko sa mata nya.
Bumalik lang ako sa katinuan ng pumikit sya dahil may sumapok sa kanya. "Ano ka ba Deus! Ginamit mo na naman pagka-demonyo mo!"
"Sorry naman! Ang cute kasi nito e." Nawala ang pagkapula sa mata nya at nagpakilala.
"I'm Asmodeus, but don't call me baby unless you mean it. What's your name?"
Tiningnan ko muna si Brandon, tinignan nya lang ako na parang naghihintay lang din.
"Ah, Quinn."
"As in Reyna?" tanong ni Alastor
"No, Q-U-I-N-N hindi Q-U-E-E-N."
"Sa tingin ko kailangan na natin umalis, inaantay na tayo ni Sir Seth." singit ni Brandon.
Nagulat ako ng hawakan ni Brandon ang kanang kamay ko at hinawakan naman ni Deus ang kaliwa. Pinindot pindot pa ni Deus ang palad ko gamit ang gitnang daliri nito kaya napatingin ako sa kanya, kinindatan lang ako nito. Napansin kong naka bilog na kami at may mga lenggwahe silang sinasabi na di ko alam.
Lumapit si Brandon sa akin, ramdam ko ang init ng hininga nya sa tenga ko. "Pumikit ka."
"Ha?" Di ko sinasadyang mapatingin kaya sobrang lapit ng mukha namin. Hinipan nya ang mata ko kaya napapikit na rin ako.
At pagmulat ko, wala na kami sa dati naming lugar. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, mapuno, madilim, at asul ang langit.
"Nasaa-"
BINABASA MO ANG
Diablerie: School of Magic (BL)
FantasyIt was just an ordinary day. I was just an ordinary student. But who knows what is ordinary, who knows what is normal? Until I was enrolled in this so-called Diablerie, anything can happen in a blink of an eye. I wish I will never close my eyes agai...