5 - Party

89 6 1
                                    

Chapter 5
"Party"


Quinn's Point of View

"Akala ko ba si Quinn ang ibibili ng mga gamit? Bakit parang ikaw ang bibili ng buong store?" umirap lang si Alastor sa sinabi ni Azel.

"Jologs ka talaga, nakakalimutan mo atang may party bukas ng gabi."

"Party?" pagsabat ko.

 "Yup! Kaya halika na, iwanan mo muna yang dalawang yan."

Buti na lamang ay hinigit na ako ni Alastor dahil di ko na kaya pa yung tensyon na nanggagaling sa dalawa. 

Nang tingnan ko sila ay parehas naman silang nakatingin lang sakin pero parang di sa akin ang atensyon nila. Para silang naguusap pero hindi bumubuka ang bibig, basta ganun! Sa isip lang.

Matagal bago ako nakapili ng susuotin. Sabi ni Alastor ay Royal themed ang party since isasabay na ang pagpapakilala sa mga Princes.

Ang mga gamit naman pang araw-araw na napili ko ay ipapadala nalang daw dahil napakadami nito at nagrereklamo na rin si Azel sa dami ng binili ni Alastor kahit hindi kailangan. 

"Are you okay?" sa wakas ay nalapitan rin ako ni Brandon. Umalis saglit si Kalin kaya gumaan ang aura sa paligid.

"Nakakapagod lang." sagot ko.

"Are you hungry? Let's go, may nakita akong stall ng takoyaki." 

Natakam naman ako pagkabanggit ni Brandon ng Takoyaki, isa kasi yon sa mga paborito ko. Saglit akong tumingin sa direkson nila Alastor.

Nakakatawa lang dahil hanggang ngayon ay walang tigil si Alastor sa pagtingin ng mga damit, si Azel naman ang binibilhan nito na kita sa mukha ang pagod at irita.

"We still have one bed in our room, are you sure you are comfortable with Kalin?" tanong sakin ni Brandon pagkarating namin sa stall. "Two orders please."

"Uhmmm, hindi ako komportable pero sa tingin mo ba palilipatin nya ako?"

"Tsk... "

"I feel weird, Brandon." nagkatitigan kami ni Brandon. "I feel weird about myself."

"What do you mean?"

"I think I'm starting to get numb, I can't feel genuine emotions." lumapit sya sakin. Dahil mas matangkad sya ay hinawakan nya ang baba ko para magtama ang mga mata namin.

Napansin kong medyo nanginginig ang mga daliri nya, napakainit rin nito na para syang nilalagnat. "I want to hug you, I want to do everything with you. Just say it and I will be yours, Quinn."

Out of nowhere ay parang natulala lang sya habang binibigkas ang mga katagang yon. Napaghiwalay lang kami ng mapayuko si Brandon at may kamay na humila sa akin.

"K.k.a.kalin..."

Dumagundong sa utak ko ang mga salitang, "Who told you to talk to him?"

Ng makapihit kami sa loob ng banyo ay tsaka nya lamang ako binitawan. "From now on you have to wear contact lense."

"Ha? Bakit?"

"Do you know why he reacted like that? It is his desire. Whenever someone stares at you, all of their secrets and desires will flash upon their head." paliwanag nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diablerie: School of Magic (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon