Chapter 4
"Kalin"Quinn's Point Of View
"Ano bang nangyari sa apoy? Bakit lumaki at kumalat?"
Naglakas loob na akong magtanong tutal hindi narin naman ako ang nagdedesisyon sa lahat.
"Dahil nga demonyo ka."
"Leigh!"
"Tsk! Bakit? Totoo naman! Ngayon lang nangyari yon! Tsaka kita nyo kung paano naging itim ang apoy!"
Si Leigh, Deus, at Seth na lamang ang natira. Nauna ng tumaas sa kani kanilang kwarto si Alastor at Azel.
"Enough! Leigh, Asmodeus, you can go to your room now."
Tumayo na rin si Seth at inabutan ako nito ng susi.
"We can share a room baby." Napaigtad ako ng akbayan ako ni Deus.
Bakit ba ang libog ng lalaking to?
"No, he will stay in Kalin's room."
"Tsk. Cool." Nasabi nalang ni Deus at umalis na rin.
"Upstairs, the farthest room to the left." paalala sakin ni Seth bago umalis.
So matutulog ako kasama si Kalin? Hindi ba sobrang nakakailang yun?
"Hays, ang laki ng building na to pero walang extrang kwarto."
Malapit na ako sa dulong kwarto ng maalala kong wala nga pala akong damit. Pinahiram lang ako ni Brandon, ang tangi ko lang dala ay yung libro na nasa pocket ng coat ko
Pagpasok ko ay tanging ilaw lang sa banyo ang bukas. Wala namang masama kung bubuhayin ko ang ilaw.
Malawak naman pala, pati sofa ay mukhang kama na kaya pwedeng dun nalang ako mahiga.
Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay manghiram ng damit. Hindi ko nga alam kung may shopping mall dito. AT WALA AKONG PERA PATI CELLPHONE!
"Don't worry about that."
Napakapit ako sa pinto ng bigla nalang lumabas si Kalin sa banyo at nagsalita. Nakabalot lang ng twalya ang pangibabang bahagi ng katawan nito.
Lunok na lamang ang nagawa ko ng unti unti syang lumapit sakin. Ang ganda ng katawan nya, parang modelo.
"Enter that door, you can choose any clothes there."
Inayos nito ang buhok na nakatabon sa mukha ko papunta sa likod ng aking tenga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito sya, parang si Brandon din umasta.
"We will shop tomorrow for your things."
Hinawakan nya ako sa pisngi bago umalis at pumasok sa isa pang pinto.
Tulala lang ako ng halos isang minuto bago ko naigalaw ang katawan ko. What's with him? I can still feel his warmth and I hate to admit it but it feels good.
*****
"Ang lalaki ng damit!"
Kanina pa ako nagkakalkal dito sa walk-in closet pero masyado talagang malaki.
Kinuha ko na lamang ay bagong boxer shorts at isang V-neck loosed long sleeves. Medyo malamig sa kwarto nya pero kung mag papajama ako ay matatalisod lang ako dahil sa haba.
BINABASA MO ANG
Diablerie: School of Magic (BL)
FantasyIt was just an ordinary day. I was just an ordinary student. But who knows what is ordinary, who knows what is normal? Until I was enrolled in this so-called Diablerie, anything can happen in a blink of an eye. I wish I will never close my eyes agai...