Chapter Three
"Blood Sorting"Quinn's Point of View
"Quinn, wake up."
Pagmulat ko ay mukha ni Brandon ang bumungad sakin. Agad akong nagtakip ng mukha.
Shit! He laughed.
"Wag ka magalala, wala kang muta o panis na laway."
Dali dali naman akong pumasok sa banyo.
"You're still pretty."
Napakunot ang noo ko, boses ni Brandon yun pero parang katabi ko lang sya. Tiningnan ko kung bukas ba ang pinto.
Baka hallucinations lang.
*****
Paglabas ko ay nakabihis na rin si Brandon.
"Anong meron ngayong araw? Simula na ba ng klase?"
"Hindi pa, imi-meet muna natin si Sir Seth at ang mga Princes."
"Pagkatapos ay pupunta tayo sa Main Hall para sa Blood Sorting."
Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin kay Brandon ang tungkol sa libro. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sya.
Pero naalala ko ang mukha nya ng sambitin ko ang Venom of God. Tsaka na.
"Quinn."
"Ha?"
Shit! Sobrang lapit! Naipaling ko nalang ang mukha ko sa kaliwa.
Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko. "Ang sabi ko, pagkatapos mong kumain ay aalis na tayo."
Tsaka lang ako nakahinga ng umalis na sya sa harapan ko.
Naguguluhan talaga ako sa ugali nya. Minsan mabait, minsan parang manyak, madalas aktong parang boyfriend.
*****
"Bakit puro lalaki?"
Naglalakad kami ni Brandon papunta sa building na una naming pinuntahan kagabi. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Lahat kasi sila ay nakauniporme kami ni Brandon ay hindi pa.
"Pussies are prohibited in this school." Pagsangat ni Deus.
Maging si Deus ay nakauniporme na rin.
Pansin ko rin na ibat iba sila ng kulay ng tie. May nakita akong pula, asul, berde, at dilaw. Pero ang kay Deus ay Lila.
"Bakit naman?"
"Hindi ko din alam, founders of this school don't allow females to enroll."
Ng nasa tapat na kami ng gusali ay hindi na humakbang pa si Brandon. Nagulat na lamang ako ng halikan ako nito sa noo.
"Oh sweet." Asar ni Deus.
"Don't be nervous, if they did something just shout. I'll be just here."
"Hindi ka sasama sa loob?"
Si Deus na ang sumagot sa tanong ko. "He's not part of the Princes so he can't join the meeting."
Inakbayan ako ni Deus at sabay na kaming pumasok.
Pagpasok namin sa isang pinto ay mahabang mesa ang bumungad sakin. Nakaupo na dito si Alastor, Azel, Leigh, Kalin, at isang di katandaang lalaki. Siguro ay nasa around 40-50 years old na ito.
BINABASA MO ANG
Diablerie: School of Magic (BL)
FantasyIt was just an ordinary day. I was just an ordinary student. But who knows what is ordinary, who knows what is normal? Until I was enrolled in this so-called Diablerie, anything can happen in a blink of an eye. I wish I will never close my eyes agai...