1 - Diablerie

227 22 0
                                    

Chapter One
"DIABLERIE"


Quinn's Point of View

Brandon's group is one of the school's proteges. Sila yung grupo na ayokong makasalubong sa mga oras na ito, lunch.

Pero alam ko na kahit matakasan ko sila ngayon, bukas ay makagagawa sila ng paraan para mag krus uli ang landas namin.

Daily routine na siguro nila na pagtripan ako. I don't know why pero I always saw happiness whenever they humiliate, punch, slap, and kick me.

Isa din sa hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko rin magawang iwan ang eskwelahang ito. Ang dahilan siguro ay ang taong pinanonood ko ngayon.

Nakaupo ako sa may pinakasulok na upuan, iniiwasan kong maabot ako ng paningin nya.

"Ang gwapo nya talaga tignan habang nagshushoot ng bola." bulong ko.

"Eh kung ishoot din kita sa ring?"

Napatakip ako sa aking ulo ng makilala ko kung sino ang nagsalita.

"Brandon?"

"Akala mo ba matatakasan mo ako?" Nakahinga ako ng maluwag ng umupo lamang sya tatlong silya malayo sa akin. Nakatingin din sya sa lalaking walang tigil sa pagshoot ng bola.

"Patay na patay ka sa lalaking yan? He doesn't even know you existed!" Isa din yan sa dahilan kung bakit sobrang laki ng pagkamuhi ko sa kanya. Sobrang sakit nya magsalita. Which is somehow true.

May ibinato sya sa akin at tumama iyon sa noo ko bago ko nasalo. "Happy Birthday my Quinn."

Naguluhan ako sa nangyari, tinitigan ko na lamang si Brandon habang naglalakad palayo. Ng mawala sya sa paningin ko ay tsaka ko binuksan ang ibinato nya sa akin.

My heart tightened up. It's a necklace with sapphire stone. I never expected to receive such a thing from Brandon. And I will never expect him to know my birthday. I turned 21 today. He really is full of surprises.

******

Another day, iisipin ko na naman kung paano ko matatakasan ang grupo nila Brandon.

I stared at my reflection. Something is different. Nagiging abo ang buhok ko at ang iba ay parang nagiging puti na. Uban ba to?

*blag*

Mabilis akong napalingon sa pintuan. And I was not wrong. Tropa nila Brandon. Nagtaka lang ako kung bakit wala sya. Ayaw na ba nya akong makitang sinisipa sipa ng mga kaibigan nya?

"There you are! Quinn the school's shit!" Matt. Pinakabayolente sa kanila. Kadalasan ay sya pa ang nagsisimula mambugbog sakin. Hindi na ako nabigla.

Tinangka kong tumakbo lampas sa kanila ngunit nakatanggap lang ako ng suntok sa tagiliran na nakapagpaluhod sa akin.

"Tsk... Tsk... Tsk..."

Naglakad sya at pumwesto sa likod ko. Hindi naman kumibo ang iba pa nyang kasama.

"Sa tingin mo ba hindi namin malalaman na inaakit mo si Brandon?"

Inaakit? Isipin ko palang ay nasusuka na ako.

"Nagawa nyang talikuran ang grupo para lang sayo? And I'm not stupid to consider kaya inuna ko na syang itumba." I was terrified by the idea. Ayokong isipin na nakaya nilang patayin si Brandon.

Diablerie: School of Magic (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon